"We're eyeing to negotiate with some of the villagers. Magandang i-redevelop ang lugar na iyon."
Here we go again, business talks in the dining area. Mas nagagawa na nila ito ngayon, lalo pa't involve na si Ate sa business.
"Kailan tayo bibisita doon, hon?" asked Mommy.
"Tomorrow," Dad replied. Tahimik lang akong nakikinig habang nilalagyan ng butter ang pancake na kinakain ko.
"May malapit po ba na beach doon, Dad? We can attract investors kung nakikitaan nila na may potential business ang area," Ate explained.
Unconciously, napatango ako. I agree with her though. But I don't want to butt in, I need to know kung legal ba ang redevelopment na gagawin nila. I want to know the details on how they are going to convince the villagers.
"Yes, hija. I took note of that. Prepare your clothes, we're going to visit tomorrow," ani Dad tsaka uminom ng kape niya.
"Aren't you going to join?" Itinaas ko ang ulo mula sa pagkakayuko. Ako pala ang kausap ni Dad.
"I can't, Dad. I have school works," pagsisinungaling ko. I need Enzo's help with this. Ayokong may madadamay nanaman na ibang tao sa gagawin nila.
Pagkatapos mag-breakfast, nag-aya si Ate Alie na pumunta kami sa mall. Gusto nanaman niyang bumili ng panibagong beach outfit dahil nga bibisita sila doon sa Papun Village bukas.
"Please, Air. You can call Enzo, too. He can join. Papayag naman niyan si Mommy," pagmamakaawa ni Ate. Gusto niya akong kasama parati kasi I can give suggestion or whatnot kung bagay ba sa kanya ang outfit.
"Enzo's busy, ate. He has work. I don't think Mom's comfortable too kung kasama pa siya."
Ang ending, Ate didn't win. Sila lang ni Mommy ang umalis. Naiwan kami ni Dad dito sa bahay. Maya-maya pa ata siya aalis.
Bumaba ako para maglagay ng tubig sa tumbler ko. Nadaan kong muli ang office ni Dad ang narinig ko ang boses niyang galit. Mukhang may pinapagalitan over the phone. Wala namang bisita at siya lang naman ang nasa loob ng office.
Nagulat ako nang bigla siyang lumabas na hawak pa rin ang phone niya. Ibinaba niya muna ang phone nang makita ako.
"You okay, Dad? May problems po ba?" I asked.
"Wala, anak. You're staying home, right? May pupuntahan lang ako."
Agad umalis si Dad bago ko pa masabi na baka umalis din ako. Pumayag naman si Enzo na puntahan na namin ang village ngayon. Nakipagpalit na lang siya ng shift sa isa niyang katrabaho.
"Another illegal business? Redevelopment daw ba, ang alam ko labag sa batas na i-redevelop ang lugar na iyon," ani Enzo habang naghihintay kami sa bus.
Nakaupo lang kami pareho sa waiting area. Nakabili na rin kami ng mga pagkain kanina sa convenience store para hindi gutumin.
"Nagulat na lang rin ako na pinag-usapan nila kanina habang nagb-breakfast. Thanks for being with me today, love," saad ko. I squeezed his hands. He assured me with a smile.
I am honestly scared. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kung malaman na isa nanamang illegal na gawain ang balak gawin nila Daddy. May mga buhay nanaman na maapektuhan. Hindi na kinakaya ng konsensya ko. I want to help them. Dapat matagal ko na ring ginawa.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Fiksi RemajaEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...