18

7 0 0
                                    

"Pasensya na ah? Hindi 'to katulad nang napapanood mo sa mga Korean Drama."




Natawa ako kay Clayton. Magco-commute lang kasi kami ngayon. Lingid sa kanyang kaalaman na..first time ko lang na magco-commute ngayon.




"Ayos lang," tugon ko. Nakasakay na kami sa tren ngayon at ako ang pinaupo niya. Siya naman nakatayo lang sa harapan ko.






Sobrang sikip sa upuan, punuan na kasi. Ang iba hindi pa inaayos ang pagkakaupo. At halos hindi na ako makahinga dahil punuan din para sa mga nakatayo.






"Akin na 'to. Para makaupo ka ng maayos." Kinuha ni Clayton ang bag ko at sinukbit sa balikat niya sa harapan. "Thanks, Clay."




Doon ko na-realize na mahirap nga talaga ang mag-commute. Ako na first timer, hirap na hirap na. Paano pa kaya ang araw-araw na nakikipag-sapalaran sa pagco-commute?



"Central Station. Central Station. Pakibigyan po ng daraanan ang mga tao na papasok at lalabas sa tren. Maraming salamat po!"



Hinawakan ako ni Clayton sa palapulsahan at sabay na kaming naglakad papalabas ng tren. May mga times na nabubunggo pa ako dahil madami ding nagmamadali. Hindi pa nga nags-sorry, pero hinayaan ko na lang.




"Alam mo ba kung saan siya nagtatrabaho?" tanong ni Clayton sa'kin. Binitawan na din niya ang palapulsuhan ko nang mapansin na napatingin ako doon.



Tumango ako. "Nakapunta na ako dati noong may ibinigay ako sa kanya."



Sinundan niya lang ako habang papunta kami sa convenience store na pinagtatrabahuan ni Enzo. Habang naglalakad sa kalsada ay iginiya ako ni Clayton sa gilid sa pamamagitan ng paghawak sa balikat ko. Siya na ang nasa dinaraanan ng mga sasakyan at ako ang nasa gilid ng bangketa.




"Wala po akong ginagawang masama! Nanghihingi lang po ako ng pagkain!" sigaw ng isang bata na nakakuha ng atensyon namin.



Napapaligiran siya ng dalawang pulis. Ang bata ay nakataas ang dalawang kamay. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko na takot na takot ang bata.



"Maawa na po kayo sa'kin! Nagugutom lang po talaga ako at ang kapatid ko!"



Dinaluhan ko kaagad ang bata at ibinaba ang mga kamay niya. Inakbayan naman siya ni Clayton at tinanong kung ayos lang.





"Ano pong problema dito?" tanong ko sa mga pulis. Kumunot ang noo nila sa akin. Marahil nagtataka kung bakit nakikisali ang isang sibilyan dito.




"Huwag mo nang problemahin 'yan, miss. Inireklamo ang bata sa panggugulo at pagnanakaw. Kay bata pa at gumagawa na ng krimen."



"Hindi po totoo 'yan! Maayos lang po akong nanghihingi nang makakain. Sadyang..mainit lang po ang ulo ng nilapitan ko."



Umiiyak na ang batang lalaki. Base sa physical aspects niya, mukha siyang isang 11 or 12 years old. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang hinlalaki ko.



Napakabata pa. Nakapabata pa para mamulat sa gaano kahirap ang buhay. Napakabata pa para makaranas ng pagkakaiba ng bawat estado ng tao sa lipunan.




"Boss, baka pwede pa hong maayos. Napakabata pa niya," pakiusap ni Clayton.




"Nako, dapat sa mga ganyan dinadala na sa DSWD. Baka makaperwisyo pa 'yan dito," tugon ng pulis.




It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon