"Isa nanaman pong ganap na bagyo ang namataan sa Philippine Area of Responsibility. Inaasahan na ito ay magla-landfall mamayang gabi sa Mindanao Area. Kung kinakailangan na pong mag-evacuate ay gawin na."
Pagkababa ko sa hagdanan, narinig ko ang balitang iyon mula sa radyo ni Manang. Nasa city hall si Daddy at nasa kumpanya naman sina Mommy at Ate. Ako ngayon ang naiwan dito sa bahay.
"Naku! May bagyo nanaman, kawawa ang mga tao sa Mindanao," komento ni Manang habang naglilinig ng foyer namin.
"Nasaan po ba si Daddy? Mas makabubuti po siguro kung maghatid na siya ng tulong ngayon pa lang," suhestyon ko. Ang pagbibigay ng rescue boat, relief goods, personal hygiene at iba pang pangagailangan ay makabubuti lalo na sa mga nasa evacuation center.
"Ayon nga 'ho ma'am. Mukhang magkakaroon pa mamayang gabi ng gathering dahil pag-uusapan ang pagbubuo ng partylist," tugon sa'kin ni Manang.
Madalas si Manang lang ang nakakasama ko sa bahay kaya komportable siyang magsabi ng kung ano-ano. Ganoon rin naman ako sa kanya, dahil matagal na rin niya kaming naalagaan.
"Iniisip siguro ni Daddy na sa Mindanao naman iyon at hindi dito sa Visayas," bulong ko. Nag-aalala lalo na para sa maapektuhan ng bagyo.
"Mukha nga. At ako, wala akong choice. Kinakailangan kong sumunod," ani Manang. Narinig ko ang buntong hininga niya. I feel sorry for her, naiintindihan ko siya.
Gaya nang nasabi ni Manang, nag-host nga ng gathering si Daddy imbes na sa bahay ito ginanap ay sa events hall na lamang ng kumpanya. Oo, pinaggawa talaga iyon ni Daddy para doon na lang mag-held ng gatherings na mahilig niyang gawin. I honestly don't know bakit mahilig siya magpa-party.
At dahil si Daddy ang nag-host, mostly politicians din ang bisita. Ang iba ay mga business man kagaya na lamang ng iba pa niyang kapatid. Hindi ko masyado nakakausap ang mga Tito, Tita, at mga pinsan ko dahil pati sa kanila kinakailangan din daw naming mag-ingat ni Ate.
"Ang sosyal naman pala dito!" Napalingon ako sa nagsasalita. At marahan siyang pinalo sa balikat agad.
"Hoy, Clayton!" gulat kong sabi. Pati siya ay nagulat din, hindi niya siguro ako napansin kanina. Base sa ekpresyon ng mukha niya, nagtaka pa siya kung bakit ako nandito pero lumiwanag agad ang mukha niya.
"Oo nga pala, anak ka ni Governor Alcantara," aniya at tumango-tango pa. Ito siguro ang raket niya ngayong gabi. Baka isa sa mga staff ni Daddy ay nakapunta na sa resto kung saan siya nakapag-gig.
Isang white plain shirt, denim jacket, black pants, at white shoes ang suot ni Clayton. Agad siyang tumungo sa stage upang kumanta habang papasok ang mga bigating bisita. Kaming apat ay nasa may pintuan at isa-isa naman silang gine-greet.
Namataan ko si Tito Limuel na mag-isa lamang at agad siyang binati. Hilaw na ngiti ang iginawad niya sa'kin. Marahan naman niyang pinalo ang balikat ni Daddy bilang pagbati.
Nahihiya akong tanungin siya kung nasaan si Enzo, dahil parang wala siya sa mood. Pinili ko na lang manahimik at bumati na lang ako sa ibang bisitang paparating.
"Air, why don't you join Clay on stage?" tanong ni Ate Alie. Napalingon naman si Mommy sa'min. "You know the guy, anak?"

BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...