19

5 0 0
                                    

"Wait. What? For real?"




Halos hindi siya makagalaw, sanhi ng bahagyang pagtawa ko.





"Hey, are you okay?" natatawa kong tanong. Napaupo at inabot ang kamay ko.




"Is that for real, Air?" excited niyang tanong.






"Unfortunately, it is. Wala ako ndito ngayon, kung hindi," pang-aasar ko sa kanya. He hugged me. "Thank you for accepting my feelings, Air."








"Thank you for waiting for me, Enzo," I replied and hugged him back.








Nanatili lang along nakaupo, habang hinihintay na matapos si Enzo sa kanyang shift. Naisip mong magbasa-basa na lamang muna ng mga ile-lesson namin habang naghihintay sa kanya. Nang matapos magbasa, napagdesisyunan kong ayusin ang mga notes ko. Para mas mapabilis ang pagrereview ko kapag nag-Midterm Examination na.








"Hey." Bahagya akong nakaramdam ng pagtapik sa balikat ko dahilan kaya nagising ako. Hala, nakatulog pala ako! Parang kanina lang nagsusulat ako ng notes ko ah.








"Hala, sorry," tugon ko kay Enzo. Nakasuot na siya ngayon ng backpack niya.








"It's okay. Sorry din, dahil sa akin hindi ka pa nakapagpahinga ng maayos," aniya.





Umalis na kami sa convenience store at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Mabuti na lang at tapos na ang rush hour kaya wala na masyadong mga pasahero.





"Matulog ka na lang muna. Gigisingin kita kapag malapit na tayo," sambit ni Enzo at tinapik ang balikat niya.








I was hesitating na sumandal sa balikat niya. This will be the first time. Nahihiya ako, natatakot ako, hindi ko alam.








Marahan niyang iginiya ang ulo ko para makasandal sa balikat niya. "It's okay, Air."








Gaya ng ipinangako niya, ginising niya ako nang malapit na kami sa subdivision. Nauna siyang bumaba ng jeep para inilahad ang kamay para maalalayan ako sa pagbaba.








Habang papasok ng street namin, tahimik lang kami pareho. Iniisip ko kasi kung papaano ko siya ipapakilala kina Daddy, lalong-lalo na kay Ate. Parang kailan lang, nagkulong ako sa kwarto dahil sa kanya tapos ngayon ipapakilala ko siya bilang boyfriend ko?








"Dito na lang ako sa kanto niyo. Hindi pa ako alis hanggang hindi ko pa natatanaw na nakapasok ka na," sambit ni Enzo.








Tumango naman ako. "Okay, sige. Bye! Ingat ka ah."








"I will. Goodnight, Eresel." I saw him small smile kahit madilim na at tanging street lights na lang at ang buwan ang nagbibigay ilaw sa'min.








Magdamag lang along nakangiti hanggang sa nakapasok ako sa bahay, sa kwarto, at pati sa pagtulog. Normal ba 'yon? Ang hirap maexplain dahil first time ko lang naman ito. Ganoon pala 'yon 'no? Kahit walang dahilan nakangiti ka, parang ang gaan gaan lang sa pakiramdam.








Ilang linggo ang nakalipas, midterm week na namin. Panay bigay na ng mga performance task at examinations ang teacher, ang iba may presentation tapos ang iba paper works.








Naisipan kong tumambay sa library. Nahihiya ako kung sa club room pa, baka isipin nila na porket boyfriend ko ang President ay nagagawa ko na ang lahat ng gusto ko. I know my boundaries, of course.








It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon