11

7 0 0
                                    

"Ang propaganda mayroon 'yang agenda kaya ipinapakalat. Nasa sa atin na iyon kung paano natin siya iintindihin."




Habang iniikot ko ang mga mata ko ay napansin kong patango-tango ang mga estudyante. Mga freshmen kasi ang inimbitahan namin para sa talk ngayon.



May nagtaas ng kamay "Paano naman po kung opinyon ang laman ng isang agenda? Dapat po ba 'yong tanggapin o hindi?" tanong sa'kin ng isang freshman.





Oo nga 'no. Ika nga nila 'We are entitled to our own opinions.' Napatahimik ako sandali bago sagutin iyon.




"Mayroong mga opinyon na makikitaan na agad natin ng mali. Kadalasan kasi ng tao ngayon, kung ano ang gusto nilang paniwalaan ay iyon lang ang tinatanggap nila. Ang tawag doon ay post truth," pagsasalba sa'kin ni Enzo.




"Tama 'yong sinabi ni Pres. Kung may enough knowledge ka na sa isang bagay, malalaman mo na kaagad kung ano ang tama sa mali. Kagaya na lamang kung magpo-post ako sa Facebook ng 1 + 1=3. Opinyon ko 'yon 'di ba? Pero ang alam ng karamihan, ang proven at pinag-aralan ay 2 dapat ang sagot. Kaya mali na sabihing opinyon ko 'yon, 'wag dapat makialam. Kasi una pa lang, mali na talaga siya."




Nagpalakpakan sila ng pagkatapos ng talk. Napatingin din ako sa gawi ni Enzo at nag thumbs up siya sa akin. I mouthed 'thank you.'




May isang lalaki na may katangkaran ang lumapit sa'kin habang nililigpit ko na ang laptop.




"Ate Eresel, salamat po! Ang dami kong natutunan dahil sa inyo ni Kuya Lorenzo," aniya.



Ngumiti ako. "Salamat rin sa pagpunta. Sana ma-apply mo 'yong natutunan mo ngayon."



Hinatid ko na siya sa pintuan dahil papalabas na rin sana ako para mag-lunch. Saktong pagkadaan namin sa pintuan ay may sumalubong na babae kay Lorenzo.



Sexy, matangkad at maganda. Kitang-kita ang pagka-mature niya sa kanyang pananamit. Pwede na ngang pumasok sa Binibing Pilipinas. Baka nga beauty queen ang isang 'to e. May ka school mate ba kami na beauty queen?





"Girlfriend ni kuya Lorenzo?" tanong nung lalaki. Nagkibit-balikat na lang ako. "Sige ate Eresel, una na po ako."





"Hey, Eresel. What are you looking at?" si Joshua, ka-club namin. "Huh?"




"Kanina ka pa nakatingin doon. Sino ba tinitignan mo? Si Enzo at Tanya ba?" makahulugang ngiti ang binigay niya sa'kin. "Hindi ah! Nasaan ba sila nandoon ba? Hindi sila ang tinitignan ko."




"Okay, sige. Sabi mo e," natatawang sagot ni Joshua.  Sasagutin ko pa sana siya nang may tumawag sa'kin.




"Serene!"



"Oh, bakit Clay?" tanong ko. "Kumain ka na ba? Lunch tayo," pag-aya niya.




"Uh..Eresel, una na ako. Time naman ni Enzo.."sambit ni Joshua at hindi na ako hinintay na makapagsalita.




Time na alin?



"Time na alin?" tanong ni Clayton. "Ayan din ang tanong ko. 'Lika na, gutom na ako." Hinila ko na si Clayton papunta sa cafeteria.




Nahagip nang mga mata ko sina Janelle at Rupert na nagtatawanan habang nakain. Dumiretso agad ako sa lamesa kung nasaan sila.




"Hi guys!" masigla kong bati. "Air!" niyakap agad ako ni Janelle pagkakita sa'kin. "Na-miss kita, Air. Ngayon na lang ulit tayo nagkasama."





It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon