37

12 0 0
                                    

"Absent pa rin ba si Mr. Gamboa? Magiisang linggo na iyon ah?"








Mas lalo akong nag-alala kay Clay. Never siyang umabsent sa trabaho, minsan nga kahit may sakit siya napasok pa rin e. Panay ang text at tawag ko nitong mga nakaraang araw pero wala siyang reply. Sinubukan ko na ring puntahan sila sa bahay niya pero kapag kumakatok ako walang sumasagot.





"Alam mo ba ang dahilan ng pag-absent niya, Eresel?" tanong ni Ma'am Precy sa'kin. "Pasensya na po, Ma'am. Kahit ako ay walang contact sa kanya ngayon."








Gaya ng mga nakaraan, sinubukan kong bisitahin ang bahay nila. Laking tuwa ko nang makakita ng ilaw sa loob ngayon, ibig sabihin may tao na.








"Tao po?" Marahan kong kinatok ang gate nila. Maya-maya ay narinig kong bumukas ang pintuan. Tumambad sa'kin si Tita Charlene.





"Serene, anak!" Nahihimigan ko ang pagkatuwa sa boses ni Tita. Para bang kanina ang lungkot lungkot niya pero nung pagkabukas ng gate at ako ang nakita niya ay lumiwanag ang mukha niya.








"Good evening po, Tita. Andyan po ba si Clayton?" tanong ko. "Halika, pasok ka muna." Marahan akong hinila ni Tita Charlene papasok ng bahay nila.








Pagkapasok namin nakita ko si Tito Carlson na nakatulala lang. May baso sa harapan niya at mula sa posisyon ko nakikitang ko mainit-init pa ito at amoy ang aroma ng kape.






"Mahal, Serene's here," anunsyo ni Tita Charlene. "Good evening po, Tito."






"Serene, anak," binati ako ni Tito Carlson. "Si Clayton ba ang hanap mo?"




Pinaupo nila ako sa sofa, ang magkatabi naman silang nakaupo sa kabilang sofa sa tapat ko.




"Opo, nag-aalala na po kasi ako. Hindi pa po kasi siya pumapasok at hindi niya rin po sinasagot ang mga text at tawag ko."





Narinig ko ang buntong hininga ni Tita Charlene. Napansin ko din ang pag-aalala ni Tito Carlson, hinawakan niya kasi ang kamay ni Tita at marahang pinisil iyon.



"Clayton asked for an alone time. We know where he is..but he doesn't want anyone to know. He's been contacting us from time to time para alam namin na safe siya," she explained.




I akwardly smile. Alam ko, alam ko na ako ang dahilan kung bakit siya ganyan ngayon. At hindi ko sinisisi si Janelle, if I were Clay's friend I would also the same immediately.





Her judgement must be clouded, that's why she didn't bother to dig deep. Alam niya ring confused pa ako sa feelings ko towards Clay, so that what made her decide. I still apreciate, Janelle though. She's indeed a true friend.




"I'm sorry, Tita, Tito. I-I'm really sorry, I appreciate Clayton a lot. I don't take him granted. In fact..in fact..I don't want to lose him in my life." There I finally said it! Nakakagaan pala talaga ng loob.



Narinig ko ang paghikbi ni Tita Charlene, tsaka ako niyakap. Inaalo naman ni Tito Carlson si Tita. "Salamat, anak. Maraming salamat sa pagmamahal mo kay Clayton. Matutuwa iyon kapag nalaman niya."





"He's been waiting for you to say that, anak. We're truly happy for the both of you. Andito lang kami para gabayan kayo," pangaral ni Tito. Ngumiti ako sa kanya, niyakap niya rin ako.





Gabi na nang nakauwi ako, napagisip-isip kong magpahinga muna bago tawagan sina Janelle at Rupert. Kailangan ko munang makausap sila para maipaliwanag ko lahat.




"Hello, Jan? Thanks for answering the call. Free ba kayo ni Pert bukas? Gusto ko sana kayo makausap?" Mabuti na lang at sinagot niya ang tawag ko. Janelle is not a toxic person, she is mature at handling things.




["Okay, sige. Ite-text ko na lang sa'yo anong oras. Itatanong ko pa si Pert, e.]






"Sure, sure. Salamat talaga!"






Sa café namin napagdesisyunan na magkita, mabuti na lang at may free time 'yong dalawa. After lunch naman na kaya wala nang masyadong customer ngayon. Sa isang lamesa, magkatabi sina Jan at Pert, ako naman katapat si Jan.








Tahimik lang ang dalawa, para bang hinihintay na ako na ang unang magsasalita sa aming tatlo. Si Rupert, pinagdidiskitahan ang cupcake na nasa harap niya. Samantalang si Janelle, kanina pa paikot-ikot ng straw sa frappe niya.





"I'm sorry, guys. Hindi ko intensyon na saktan si Clayton. Actually, I patched things up with Enzo para wala na akong baggage na dadalhin if..if I tried to open myself to Clay." Napansin ko ang pag-angat ng ulo ng dalawa. Panigurado'y gulat din sa sinabi ko. Ngayon lang ako nakaamin sa kanila, e. Ang weird nga, kasi naman kay Clay ako may gusto pero sa kanila ako naamin. Well, they are part of our lives anyway.





"Clayton won't be your second option, right?" pagkukumpirma ni Janelle. I nodded "He is my only option. It's just that I am left with no choice, I whole-heartedly choose him."








"Paano kung hindi na ikaw ang gusto, Air?" tanong ni Rupert. Nabigla ako. I wasn't ready for that. That's indeed heartbreaking.








"Ang nega naman nito! Clayton 'yon oy! Baka ulol na ulol kay Air 'yon," pangangaway ni Jan kay Rupert. Unti-unti sumilaw ang ngiti sa'kin.








"I honestly don't know, Pert. Pero isa lang siya ang sure ako. I think it really might be him."








"Might be what?" tanong niya. "Might be my lifetime."








"Sa wakas naman na-realize mo na din!" sigaw ni Janelle at pumalakpak pa. Nakita ko naman ang bahagyang pag-ngiti ni Rupert. "I'm happy for you. I'm happy for the both of you!" Niyakap ako ni Janelle.





"Eto talaga pambato ko, e. Noong college pa, grabe tagal na din," sambit ni Rupert. Nakipag-apir pa siya sa'kin. Napangiti naman ako.











"Hindi na kayo galit?" tanong ko sa dalawa. Tumawa naman sila. "Hindi naman kami galit in the first place. Hinayaan ka muna namin na ma-realize 'yong feelings mo para ma-klaro mo na kay Clay."








"Wait, pero alam ni Clay 'yong nangyari kay Enzo noong nakaraan?" nagtatakang tanong ko. "Magkasama kami noon na nag-mall, may binili para sa birthday mo. Siya talaga ang nakakita sa inyo, nauna lang na umalis."








Buong akala ko ay sila ang nagsabi kay Clay. Kasama pala nila.








"Oh, so ano nang balak mo niyan?" tanong ni Janelle. "Miski kami hindi namin alam kung nasaan."








"Di mo sure," bulong ni Rupert. Nagkatinginan kami ni Janelle sabay tumingin sa kanya. "Anong sabi mo, Rupert Romero umayos ka."





Kitang-kita ko kung paano nagsisi si Rupert na sinabi niya iyon. Ngayon wala na siyang kawala kay Janelle.





"Nasa Batangas si Clay. Pasensya na kayo, pinagkatiwalaan niya akong huwag sabihin sa inyo. Ngayon, ako ang lagot sa kanya!" Napatakip siya sa mukha niya pagkatapos ay napakamot sa ulo.








"Halina kayo. Sunduin na natin ngayon. Kunin mo na nang buo, Air!" excited na sabi ni rupert at tumakbo para makatakas kay Janelle, na ngayon ay nanlilisik ang mata.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon