20

12 0 0
                                    

"I joined politics because I wanted more money. You know me, Limuel."








Umagang-umaga nang mapadaan ako sa office ni Daddy at nakarinig ng pamilyar na pangalan. Unti-unti akong lumapit sa pintuan.








"That's one thing we share in common, Governor," sambit ni Vice Governor Limuel Go, ang Tito ni Enzo.








Nagpatuloy lang ako sa pakikinig ng usapan nina Daddy at Tito Limuel. Mabuti na lang at wala ring bantay dito sa pintuan ngayon. Kadalasan kasi nagr-request si Daddy na bantayan ang pintuan lalo kapag high profile ang bisita niya sa loob.








"Aren't you planning on making Raiden as your heir? Sayang naman. The kid is promising," rinig kong sabi ni Dad. Ganoon pala ang tingin niya, ang buong akala ko dahil lang pamangkin siya ni Vice Governor kaya tuwang-tuwa sa kanya si Daddy.











"That kid..he likes different things. To the extent that he's willing to fight me."








"Willing to fight you?" tanong ni Dad.








"Siya ang nagpasimuno nang rally noong nakaraan, kaya hindi tayo natuloy sa transaksiyon. One of my men saw him helping other rally volunteer."





"Buong akala ko magiging kakampi natin siya, Limuel. I am disappointed," sambit ni Dad.





Mula sa pagkakadikit sa pintuan, inayos ko na ang tayo ko nang dumaan si Manang para maghatid ng merienda sa kanila sa loob.





"May kailangan ka ho ba, Ma'am Eresel?" tanong ni Manang. Umiling lang ako at tumungo na sa hapag kainan.





I saw Ate and Mom on the table. Si Mommy ay nasa gilid ng kabisera at katapat naman niya si Ate. Sa tabi ako ni ate Alie naupo.





"Ang tagal mo naman, Eresel," komento ni Mom. Humingi lang ako ng tawad at dumiretso na sa pagkain.





Saktong pagkatapos namin mag-breakfast ay katatapos lang din ng meeting ni Daddy at Tito Limuel.





"Thank you for the breakfast. Well, I guess I'll see you guys later then?" pagpapaalam ni Tito Limuel.





Later? Anong meron mamaya?








"Mom, ano po meron mamaya?" I asked her nang makalabas na si Tito Limuel. Hinatid ni Dad doon sa may pintuan.








"Ah, I forgot to tell you. We'll be having a gathering again, later tonight," anunsyo ni Mom pagkatapos uminom ng mango juice.








Every month mayroong gathering na pinupuntahan ang family namin. Mostly mga taong nasa politics ang nag-host ng party at ang mga bisita. Sa ganoong event din na iyon nalaman ni Enzo na hindi lang ako isang Alcantara, ako si Eresel Alcantara na anak ni Governor Elliott Alcantara.





"Mom, naideliver na po ba ang mga dresses na inorder natin kay Ms. Adrianna?" tanong ni Ate.








"Yes, dear. Nasa kwarto niyo na habang nakain tayo dito ngayon. Go see if the dress fits you well," ani Mommy.








Maya-maya lang tumayo na din kami ni Ate at pumunta sa kanya-kanyang kwarto para makita ang dress namin. A shimmering champange colored long dress with a slit hugs my body well.  Matagal na kasi naming designer si Ms. Adrianna kaya alam na niya ang mga sukat namin.








It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon