"How's your Dad?"
Magkasama kami ngayon ni Enzo dito sa convenience store na pinagtatrabahuan niya. Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula noong nasigawan ako ni Daddy.
"We're still not talking to each other. I don't know if he remembers a thing about that night. He was drunk."
Pagkatapos kong mag-stay sa apartment ni Enzo for a night, kinabukasan hinatid niya rin ako pauwi. He doesn't want my Dad to worry.
Binuksan niya ang iced tea bottle at ibinigay sa akin. "Thanks, love."
Sinubuan ko naman siya ng prutas mula fruit cup na kinakain ko. Snacks ko lang naman 'to, nabusog pa ako sa lunch kanina sa school eh.
"I heard that my dad and your Tito are not talking to each other anymore.." Pagbubukas ko ng topic. I've heard from our maids, again.
"Wala namang bago, they will only contact each other if they need something. They're only using on another," sambit ni Enzo at napailing pa.
I was honestly scared to open my family issue to him. But gladly, hindi niya ako pinipilit na mag-kuwento. He's waiting for me to open up.
"I still don't know if Dad gave them their salaries for the past months. Palihim ko munang inaabonohan, I've been using my savings to pay them."
Kakaunti na lang ang natitira sa savings ko. But I can still manage, I'm starting to sell my pre-loved clothes and luxury items. Hindi na rin muna ako bumibili ng mga bagay na hindi ko naman kailangan.
"I can help, love," ani Enzo. Napangiti ako, knowing him alam ko namang tutulungan niya ako. But I honestly don't want him to meddle with my affairs. Problema ko 'to, problema ng pamilya ko 'to.
"I know, love. Thanks for the initiative." I pinched his cheek. "But I can—"
"But I can manage.." Siya na ang nagtuloy sa sasabihin ko.
Sa kompanya kung saan siya nag-OJT, kinuha na siya bilang regular employee. Next month na ang start ng trabaho niya pagkatapos ng graduation.
"Malapit na pala graduation mo. What do you want as a gift?" tanong ko. Umakto naman siya na nag-iisip at nakahawak pa sa baba.
"I'm good with you, here by my side," ani Enzo at kinindatan pa ako. Tumawa naman at pinalo siya sa braso.
The next few weeks naging busy siya sa OJT at practice for graduation. Ako naman nag-umpisa nang gumawa ng thesis kaya halos hindi na rin kami nagkakasama.
"Iced spanish latte for Air?"
Agad akong lumapit sa counter para kuhanin ang order ko. Dumaan muna ako sa isang coffee shop bago pumasok sa school. I need my coffeee fix.
"Ms. Alcantara, right?" May isang matandang lalaki ang lumapit sa akin. Teka..ito na 'yong nakasalubong ko noon sa mall ah! Tandang-tanda ko ang mukha niya kasi sobrang natakot talaga ako dahil sa mga ikinikilos niya.
"I'm Prosecutor Cruz. I guess this is the right time to introduce myself to you," aniya at iniabot ang kamay sa akin.
Nagdadalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko. "It's alright, I don't bite."
"Uh..Mawalang galang na po pero ano po ang kailangan niyo sa akin? Mukha po kasing matagal niyo na akong minamanmanan."
Napagdesisyunan ko na dito na lang kami mag-usap sa coffeee shop. Matao, kaya madami ang makakakita kung may gawin man siya sa'kin. Alam ko prosecutor siya, alagad ng batas. Pero nang dahil sa nangyari kina Mommy at Ate mas nagkaroon ako ng trust issues sa ibang tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/280052810-288-k468436.jpg)
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...