09

9 0 0
                                    

"If possible, mga graduating students sana ang sasama sa movement. The rest, through online na lang ang protest."





Andito kami sa club room para pag-usapan ang gagawing para matigil ang gagawin nina Daddy sa isang hindi pa nalalaman na ka-transaksyon nila.




"How 'bout those who have the consent of their parents but are not yet graduating students?" tanong ko kay Enzo.




Inayos niya muna ang tiklop ng brown long sleeves niya bago ako tignan. Siya lang kasi ang nakatayo at nasa harapan habang nasa kanya-kanya kaming upuan.




"Well if that's the case pwedeng sumama, Ms. Alcantara. Marami naman tayong graduating students dito, we can..take care of you guys," tugon niya. I'm assuming he's thinking na sasama ako kaya ko na-open ang topic tungkol doon.





Nagpatuloy kami sa pag-uusap para sa pinaghahandaang gagawin. Inabisuhan naman kami ng school na labas na sila sa mga gagawin namin outside of the school premises.




Mula sa kulay ng susuotin, placards, first aid kit, at pubmats masusi naming sinuri. Nilista ko naman lahat ng pinagusapan dahil syempre secretary ako.





"We'll wait until tomorrow for the final list kung sino ang sasali. Pakiayos na lang, Air..Ms. Alcantara," ani Enzo.








Napatingin pa ang ilang mga ka-club namin dahil inadress niyo ako sa nickname ko. Mabuti na lang binanggit niya ang last name ko. Baka mamaya bulabugin nila ako ng mga tanong.







Lorenzo addresses people by their last names lalo na kapag nasa meeting. It's for formality kaya naiintindihan ko.





"That's a wrap for today. See you on Saturday," anunsyo ni Enzo. Niligpit ko lang ang gamit ko para makauwi na. Nag-text si Ate na magpapaiwan muna siya dahil may club meeting din sila at mukhang matagal pa matatapos iyon.








"Ms. Alcantara?"








"Serene."











Sabay na nagsalita sina Clayton at Lorenzo habang nasa tapat na ako ng pintuan. Ikinagulat ko na pagkalabas ko ng pintuan ay narito si Clay. Bukod doon, ikinagulat ko rin ang pagtawag ni Enzo.








"Yes, Mr. President?" nilingon ko siya. Sumenyas muna ako kay Clayton na sandali lang.








"When will you stop calling me that?" iritang tanong niya. I scoffed. "You called me for that?"











"No, uh--nothing. Pakibigay na lang ang list sa'kin through e-mail again. Sige na, it looks like your busy," ani Enzo at sinulyapan si Clayton na nakasandal sa may pintuan.








"Okay, I'll send it to you through e-mail..Kuya Enzo." Tinalikuran ko na siya at pagkalabas ko ng pintuan ay abot tenga ang ngiti ni Clayton. Anong problema nito?








"Hi, may gagawin ka ba?" tanong niya sa'kin habang in-offer ang kamay niya. Nagtataka ako at mahinang tinampal iyon.








Humagalpak siya sa pagtawa bago ako kausapin. "Akin na bag mo." Aabutin na niya sana pero bigla akong nagsalita.








"Hindi na, okay lang. Bakit anong meron?" tugon ko. "Arcade tayo."





Nagpahatid kami kay Kuya Ricky patungo sa Arcade Shop. Iginiya agad ako ni Clayton kung saan mayroong mga claw machine. Nakailang try pa si Clayton bago niya nakuha ang stuff toy mula sa machine.




It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon