"Wake up, sleepyhead."
Unti-unti akong nagising ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Sa pagkakaalala ko, kami ni Janelle ang magkasama sa room. Kaya bahagya akong nagulat nang marinig ang boses ni Clayton.
"Hey," bati ko sa kanya. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Nandito na kami sa panibagong beach resort. Kaunti lang ang layo nito mula sa restaurant ko, mga forty-five minutes siguro.
Napagdesisyunan muna naming mag-stay dito sa isang resort, maya-maya lang ay uuwi na rin sina Tita Charlene at Tito Carlson. Gayundin sina Janelle at Rupert, may mga trabaho pa daw kasi sila.
Ako naman, maiiwan muna para mag-asikaso ng finishing touches. Mayroon ding mga furniture shop na gusto kong bisitahin sa Tagaytay, decorations na lang naman ang kulang.
"Good morning. Breakfast?" pag-aya ni Clayton. Napangiti agad ako at hinalikan siya sa pisngi. Napangiti din siya sa ginawa ko at hinalikan ako sa noo.
"After breakfast chill muna tayo sa beach then punta na tayo sa Tagaytay," ani Clay. Tumango ako at sinundan na siya sa may veranda.
Nandoon na sina Tito at Tita na busy sa paghahanda ng lamesa para sa breakfast namin. Sina Janelle at Rupert naman ay abala sa pagluluto ng mga kakainin kagaya na lamang ng itlog, hotdog, at kanin.
"Good morning, lovebirds!" masiglang bati ni Tita Charlene. Natawa kami pareho ni Clayton. Agad ko naman siyang binati.
"Tayo na lang mag-ihaw, Clay," pag-aya ko sa kanya. Lumapit naman siya at naging abala na kami sa pag-iihaw ng liempo at bangus.
Gaya nang plano, habang nakain kami ng breakfast ay ineenjoy na rin namin ang tanawin. Matatanaw kasi mula sa veranda ang tabing-dagat.
Maya-maya lang, napagdesisyunan naming tumambay na doon sa tabing-dagat. Naglatag kami ng balabal sa may buhanginan. Mayroon din kami mga prutas gaya ng watermelon at mangga na pinapapak habang nakatanaw sa dagat.
"Iba talaga yung peace kapag nakatanaw ka lang sa kalmadong dagat," ani Janelle na katabi si Rupert. Tumango-tango kami lahat.
Mas naging masaya pa nang magkaroon ng sand castle building contest ang mga boys. Panaw tawa kami kasi hirap na hirap sila sa paggawa, si Rupert nilagyan pa ng shells bracelet ang gilid ng buhangin niyang hindi gaano kataas.
"Amats ka, Pert. Nilagyan mo pa talaga ng decorations ah, e hindi nga mukhang castle 'yang iyo," panunuya ni Janelle.
"Pa, mas mataas akin oh. Panis!" pagyayabang ni Clayton. Maya-maya lang ay biglang nabuwal ang buhangin dahil inabot ng tubig ang kay Clayton.
"Wala pala kayo sa'kin, e," ani Tito Carlson at panay ang tawa. Ang ending si Tito nga ang nanalo, dahil sa kanya ang pinakamatagal na mabuwal.
Matapos ang ilang oras na pagbabad sa dalampasigan, oras na para umuwi sina Janelle at Rupert. May pasok pa daw kasi sila. Sumabay na rin sina Tito Carlson at Tita Charlene.
"Ma, sabay na rin po kami. Pupunta pa kaming Tagaytay," ani Clayton. "Okay, sige. Maghanda na kayo at aalis na rin tayo."
"Maganda ba 'to? Oh masyadong malaki para doon sa patio?" Tinuro ko ang isang golden pot para sa yuka plant na ilalagay namin doon sa patio ng restaurant.
"Parang mas bagay sa theme itong wooden pot," tinuro niya ang pot na katabi noong tinuturo ko. "Oo nga 'no! Galing mo talaga."
"Serene, ako lang 'to. Boyfriend mo," sambit ni Clayton na natatawa. "Grabe, hindi pa din ako makapaniwala."
![](https://img.wattpad.com/cover/280052810-288-k468436.jpg)
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...