05

13 0 0
                                    

"Bilisan mo, Eresel Serene. Kahit kailan talaga napaka bagal mo kumilos."










Hindi na ako kumain ng breakfast at dali-daling tumakbo papalabas ng bahay. Nasa garahe na si Ate Alie at hinihintay ako sa labas ng sasakyan habang nasa loob na ang driver.











"Bakit kasi hindi ka pa pumasok sa loob?" tanong ko sa kanya. Tinarayan niya lang ako at pumasok na sa sasakyan. Pareho kaming nasa passenger seat at mag-isa lang ang driver banda doon sa harapan.











"Bukas kapag na-late ka pa, iiwanan na kita," ani ate Alie habang nakatingin sa bintana. Bakit ba mainit ang ulo nito ngayon? "Sorry na, Ate. Promise aagahan ko na bukas."











Sa pagpunta ng school may madadaanan kami na train station. Kitang-kita kung gaano kadami ang tao na nakaabang sa ticket booth at nakapila sa hagdanan.








Napansin kong vinideohan ni ate Alie ang train station habang patuloy na umaandar ang sasakyan. Nang makalagpas ay tutok na tutok na siya sa cellphone niya.











"Ano ba ang pwedeng i-caption dito?" tila ba nag-iisip siya habang nakatanaw lang sa may salamin sa harapan.








"Zombie," bulong ni ate habang nagt-type. Hinayaan ko lang siya sa kung ano ang gusto niyang gawin. Nang mukhang natapos na sa pagpopost ay binalik na niya ang cellphone sa bulsa.








Saktong pagliko ng sasakyan ay may tumawag sa driver. Panigurado si Daddy iyon dahil gustong niyang makamusta kung nahatid na ba kami sa school. Natigil ang sasakyan nang mapasigaw si Ate.





"What was that?" nagtatakang tanong ko. Napatingin din ang driver kay Ate. "May problema po ba, Ma'am Ernalie?"








"Kuya, muntik mo na atang mabangga ang kuyang naka-bike na iyon." Tinuro pa ni ate ang lalaking nakasakay sa bike.








Tinignan naman namin ito mula sa loob ng sasakyan ngunit mukhang ayos naman siya. Naka-bluetooth earphones pa nga at mukhang kumakanta pa. Nahinto lang siya panandalian dahil mukhang nakakita ng ligaw na pusa at nawili. Nakatalikod kasi ang lalaki kaya hindi namin makita ang itsura.








"He looks fine, though," sambit ko. Nagulat kami ng biglang nagsalita si Daddy mula sa touch screen stereo, naka-bluetooth kasi doon ang cellphone ng driver.








"What's the matter, Ricky?" tanong niya sa driver namin. "Ma'am Ernalie reported some incident, Sir. For a moment lang po, I'm going to check it."








"Nakabangga ka ba, Ricky?" rinig sa boses ni Daddy ang pagseseryoso. "The supposed victim looks fine, Sir," tugon ni Kuya.











"If he or she looks fine, 'wag ka nang bumababa Ricky. Baka malaman pa na trabahador kita at kung ano pa ang gawin sa inyo. Ako na ang bahala, I can trace your location right now. Ipapahanap ko na lang kung sakaling magreklamo."











What was that? Even if the victim looks fine on the outside, baka may blood clot or something na 'yon. We should atleast ask if he's okay, right?











"Copy, Gov," tipid na sagot ni Kuya Ricky at binaba na ang tawag. "Aren't we gonna if he's okay? That's the least that we can do. Kahit pa mukha siyang okay on the outside."








It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon