33

9 0 0
                                    

"Eresel Serene, ang tagal naman!"








Binulabog ako nina Janelle, Rupert, at Clayton habang naglilinis ng bahay. Napag-usapan kasi namin na pumunta sa sinehan ngayon, sumakto kasi na pare-pareho ang day off namin ngayong araw.








"Ikalma mo, Janelle. Nagbibihis pa ako!" Na-pressure ako kasi ako na lang ang hinihintay nila. Hindi pa nga ako makapili ng susuotin ko.



I ended up wearing a black tube top inside a brown short sleeve polo and a cream colored pants. I paired my outfit with a white sneakers para comfortable ako.



"Hala, nag-usap kayo?" tanong ni Rupert at tinuro si Clay. He's wearing a plain brown shirt and cream colored pants.



"Ay may intermission number?" natatawang tanong ni Janelle.



"Idol ako niyan e." Clayton pointed at me. Inirapan ko lang siya. Kainis gaya-gaya ng outfit!



We booked a car para mahatid kami sa mall. Nasa point pa lang kami ng life namin na nag-iipon for our wants and currently supplying our needs, so wala pa kaming kotse.



I like how I am growing with them. We celebrate each other's win. We root for each other. And we always got each other's back.



"Dito na tayo tabi-tabi," tinuro ni Jan ang screen sa cashier para sa seats namin sa cinema. Siya na din naman ang nagbayad ng sine namin.




"Ako na sa lunch ngayon. Saan ba tayo?" tanong ni Rupert. Napadoad na kami sa food court habang naghihintay sa schedule ng movie namin.



"Okay ba kayo dito?" Rupert asked. Siya kasi ang manlilibre, kaya siya na rin pinapili namin kung saan kakain.



Baka kapag kami ni Janelle ang tanungin sasabihin lang namin 'kahit saan', but we would end up disliking the menu.


Sa isang japanese restaurant kami kumain. Katabi ko si Janelle at katapat si Clay, na katabi si Rupert.


"Mabuti na lang at day off natin lahat 'no? Ang tagal na nating hindi nakakapagbonding nang ganito."



Nagbalak pa kami dati na mag out of town, kaso na-cancel kasi may big presentation daw si Janelle.


"Adulting na talaga," tugon ni Rupert. "Nakakatanda naman iyon!" Janelle exclaimed.



"Jan, ikaw lang matanda dito 'wag mo kaming dinadamay," natatawang sabi ni Clay. Hinampas naman siya ni Janelle.



Yep, Janelle is the oldest sa'ming lahat. Next is Clayton, Rupert, then ako. Pero lahat sila ay magkakabatch, months lang pagitan ng tanda nila sa isa't isa. Sa akin naman one year.



"Ang sarap naman dito!" Janelle commented habang patuloy ang pagkain sa beef gyudon niya.


As usual, katsudon ang sa akin. Kay Clayton, beef sukiyaki then kay Rupert tonkatsu. Pinag-usapan namin na iba-iba ang i-order para matikman ng lahat. Tapos share-share na lang.



"Parang gusto ko tuloy mag-Japan. Ano? Tara?" pagbibiro ni Rupert.



"Tara, pre! Ready na daw 'yong chopper ko," sinakyan naman ni Clay si Rupert. Nagtawanan lang kami hangga't sa hindi naman namamalayan naubos na pala yung pagkain.




"Parang hindi pa ako busog, hindi ko na-feel kasi puro tayo daldalan!" Nagtawanan kami sa sinabi ni Clay. Siya naman kasi ang pinakamaraming kwento. Ewan ko ba, palagi naman kami magkasama pero madami pa din siya nake-kwento.




"Ako na sa snacks natin sa movie," sambit ko. Nang makapunta na kami sa movie house. Sila na ang pumila para makapasok at ako na ang nag-order ng pagkain namin.



I ordered four popcorn, two potato chips, two corndogs, and drinks. Noong una akala ko kakayanin kong bitbitin ang lahat. Mabuti na lang sumunod itong si Clay sa akin.



"Sabi sa'yo eh," komento niya. Nag-offer na kasi siya kanina na samahan ako pero tumanggi ako.


Sabay-sabay pa rin kaming nakapasok sa sinehan. Tuwang-tuwa naman si Janelle sa inorder kong snacks, ang dami raw kasi. Wala talaga kaming kabusugan.


Sa loob ng sinehan, nasa kanan ko si Clayton at nasa kaliwa naman si Rupert. Si Janelle ay nakaupo sa gilid ni Rupert.


Tahimik lang kaming nanonood, isang action film ang pinili namin para naman may thrill. Mahilig talaga kasi kami sa bardagulan.


"Oh saan ka?" tanong ni Clay nang tumayo ako. "C.R sama ka?" pagbibiro ko.



"Okay, sige. Balik ka kaagad ah," aniya. Natawa naman ako at tumango na lang.



Ang hassle lang kasi kailangan pang lumabas ng sinehan para mag C.R. Mabuti naman same floor lang ng movie house 'yong C.R akala ko bababa pa ako eh.



"Air?"



Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Kung sine-swerte ka nga naman oh, pwede namang hindi niya ako masalubong sa pagkakalaki ng mall na ito!


"Architect Go!" gulat kong sinabi.








Napangiti naman siya. "You can just call me how you used to. We're not in the workplace anyway."




"Okay, Enzo. Sino kasama ko?" Luminga-linga ako sa paligid. "It's just me."









"Ah, sige. Balik na ako sa loob," pagpapaalam ko. "Wait, Air."











"Hmm?" tanong ko sa kanya.








"Kumusta ka na?" tanong niya sa akin. Bahagya akong nagtaka, kung bakit siya ganoon. Ano 'to, small talk? Nasabi ko naman na may movie akong pinapanood, baka hindi ko pa maabutan 'yong mga astig na scenes.








"Ah, ayos lang naman. Sige una na ako ah," pagpapaalam ko. Hindi na niya ako napigilan kasi binilisan ko na ang








Wala na akong intesyon na tanungin siya kung okay lang ba siya. Pakiramdam ko rin kasi wala na kami sa posisyon para magtanong ng ganoon.








Nang humarap na ako muli sa dinadaanan, natanaw ko si Clayton na mukhang hindi natutuwa sa nakita niya.






Imbes na pumasok muli sa sinehan, dumiretso siya pababa. Hinabol ko naman agad.






"Clayton! Anong problema? Ayos ka lang?" Mabuti naman nahabol ko bago pa siya makababa sa escalator.





"Wala. Hindi ko..hindi ko alam."





"Anong wala? Sabihin mo, makikinig ako," tugon ko. Palagi ko naman siyang pinakikinggan at iniintindi. Ganoon rin naman siya sa akin.




Nakakatunog na rin ako. Nararamdaman ko din naman. Ayoko lang rin mag-assume kaya hinihintay ko siyang magsabi sa'kin.



Is this the right time? I don't want to look like I'm forcing him to say what he doesn't want to say, yet? Does he plan on saying it? Or he just wants to keep it?



"I'm ready to hear it, when you're ready."


Bahagya siyang natawa. Kumunot ang noo ko. This weirdo.




"Iyong ang dami-dami kong pinanlano kung paano ko sasabihin sa'yo pero sa ganito lang din pala mauuwi." Napakamot pa siya sa ulo at tila ba nag-iisip.




"Can I?" tanong niya at tinuro ang kamay ko. Tumango naman ako. Unti-unti niyang inabot at pinagdikit iyon.



"I like you, Eresel Serene. I like you for a long time now."

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon