04

15 0 0
                                    

"Alcantara, paki-ayos naman itong final list ng mga members natin."




Nilapitan ako ni Enzo para ibigay ang unang duty ko bilang secretary. Binalik ko muli ang mga libro sa locker tsaka ko kinuha ang listahan na binigay niya.





"Noted, Pres," sambit ko. Mabilis kong kinuha ang mga gamit at aalis na sana nang bigla niyang sabihin. "Pakibigay sa'kin before the day ends. I need it ASAP. Salamat."





Eto na ba ang unang paghihirap niya dahil nalaman niyang anak ni Daddy? Hindi naman siguro 'no? Obligasyon ko talaga ito e.




Naging busy ako sa nagdaang oras dahil may klase ako sa umaga. Nang mag-lunch time ay dumiretso ako sa cafeteria para kumain bago asikasuhin ang inuutos ni Enzo.




"Eresel, meet tayo bukas before lunch para sa group activity ah?" paalala ni Naomi, kaklase ko sa Entrepreneurship.




"Ah, sige," tipid akong ngumiti bago inayos ang gamit ko at pumunta ng cafeteria.




Mukhang mag-isa akong kakain ngayon dahil hindi sabay ang lunch namin ni ate kapag Monday. Dala-dala ang tray ng pagkain, nakita ko si Clayton na kumakaway at malaki ang ngiti habang nakatingin.




"Here!" kaway niya. Lumingon muna ako sa likod ko para masigurado na ako talaga ang kausap niya. Nang makumpirma ay dumiretso agad ako sa lamesa kung nasaan siya, may isang babae at lalaki rin siya na kasama.





"Akala ko hindi mo ako nakita, lumingon lingon ka pa," salubong sa'kin ni Clay. "Akala ko hindi ako ang kausap mo e."





"Ah, guys. Si Eresel nga pala. Air, si Janelle at Rupert mga kaibigan ko," pagpapakilala niya. Naglahad ng kamay sina Janelle at Rupert.





"I've heard a lot about you. Nice to meet you, Eresel," ngumiti si Rupert at pansin kong nagbigay na mapang-asar na tingin kay Clay. Tumawa muna si Janelle at hinampas si Rupert.




"Your name really suits you, Serene. Tama nga si Clay," ngumiti si Janelle. "Ja, wala namang bukingan," ani Rupert at tumawa pa ng malakas.




I'll allow them to call me Eresel or Serene, since ngayon pa lang naman kami magkakilala. Sa pagkakaalala ko, binigay ko ka agad ang nickname ko kay Clayton, ganoon ata kagaan ang loob ko sa kanya.




Pinaupo ako ni Janelle sa tabi niya. Katapat ko si Clayton na katabi naman si Rupert. Naging magaan agad ang loob ko sa kanila, dahil never nilang pinaramdam na bago pa lang nila akong nakilala.




"Eresel, management ka din ba? Second year?" pangungupirma ni Janelle. "Yeah. Kayo? Same year ba with Clay?" tanong ko pagkatapos inumin ang orang juice.




"Ah, oo. Naging close kaming tatlo dahil sa music club," paliwanag ni Rupert. Musicians pala silang magkakaibigan.




"Air, magkakaroon pala ng acquiantance party iyong freshies. Magp-perform kami, pwede ka ba sumama?" tanong ni Clay




"I'll check my schedule," ngumiti ako. "Oo nga pala kumakanta ka rin 'no? Pinanood ni Clay 'yong videos mo. Grabe, ang ganda ng boses mo," ani Janelle.




"Sali ka na, minsan lang naman," sambit ni Rupert. "Thank you talaga. Sasabihan ko kayo, nagiging busy na rin kasi ako dahil sa club e."




"Oo nga pala, ano ba club mo?" tanong ni Janelle. Sasagutin ko na sana siya nang biglang may magpatong ng mga papers sa table namin. Napatingin kaming lahat sa kung sino iyon.




It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon