35

16 0 0
                                    

"Akin na tulungan na muna kita dyan."







Andito ngayon si Janelle sa bahay. Gusto niya kasi kumain kami sa labas ngayon, kaso nasabi kong mag-general cleaning ako. Sasamahan na lang daw niya ako, gusto niya lang ata na magkaroon kami ng time na makapag-bonding ngayon.







"Seryoso ba, ayos lang 'to sa'yo?" nalilito kong tanong. Hindi naman kasi niya kalat, tapos willing siyang maglinis. Tsaka nakakahiya rin.








"Sis, ako lang 'to. Akin na nga 'yan." Inagaw na niya ang basahan para pamunas ko sana sa lamesa. Hinayaan ko na lamang siya at sinimulan na lang ang pagmo-mop ng sahig.








"Kumusta ka na pala?" tanong niya sa akin. Napahinto naman ako sa pagmo-mop nang tanungin niya ako. "Ayos naman. Mabuti naman at..ayos lang ako."








Ang tagal na kasi bago ako matanong ng ganoon, napaisip rin tuloy ako kung okay lang ba talaga ako. Judging by the things that I am doing these past few days, masasabi kong grateful naman ako.








"Alam mo naman na sigurong na-kwento sa'min ni Clayton 'no?" tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "Matagal niyo na bang alam?"








"Oo, girl! College pa lang! Hindi mo talaga naramdaman?" tanong ni Jan. Tinutulungan na niya ako ngayong mag-organize ng mga canned goods. "Recently ko lang naramdaman, noong nanonood tayo ng sine. Tapos ayon, umamin na rin naman siya."








"Sa bagay, sa iba ka kasi nakatingin noon e," tugon niya. Pabiro ko siyang inirapan. Naisingit niya pa 'yon, huh.








"So ano ba? May nararamdaman ka ba sa kanya?" tanong niya.








Napahinto muli ako at nag isip-isip. Masyado pa bang maaga para mag-desisyon, kung ilang taon na rin naman pala niya akong gusto? Para sa akin, oo. Masyado pang maaga, noong kailan lang siya umamin. Matagal bago ma-sink in sa'kin.








"Sa totoo lang, hindi ko pa alam," pagpapakatotoo ko. Kaibigan ko rin naman si Janelle, ayokong maglihim sa kanya.








"Pero may chance ba?" tanong niya. Nahihimigan ko na concern siya sa sitwasyon namin ngayon. Pareho niya kaming kaibigan e.





Sasagutin ko sana si Janelle pero biglang tumunog ang phone ko, hudyat na may tumatawag. In-excuse ko ang sarili ko at sinagot agad iyon ng makita kong si Ma'am Precy ang nasa caller ID.








"Hello po, Ma'am," sambit ko.








["Eresel, pasensya ka na ah. Hindi dapat kita iniistorbo sa day off mo, pero may problema kasi e."]








"Ano po iyon? Kailangan ko po bang pumunta dyan?" tanong ko.








["Hindi na, pero papapuntahin sana kita sa Go Holdings."]








"Bakit po?" nagtatakang tanong ko.








["Nasa iyo pa iyong contract diba? Pinadalhan kasi kami dito ngayon ng breach of contract mula sa opisina ni Architect. Bakit naman ganito biglaan?"] Nahihimigan ko ang pagkabalisa sa boses ni Ma'am Precy. Rinig ko rin sa background ang ilang usap-usapan, baka nagkakagulo na doon. Importanteng partnership pa naman rin.





Pagkatapos ng tawag, agad-agad na akong pumunta sa Go Holdings dala-dala ang contract. Sinamahan pa ako Ang bilis naman ata nila mag-desisyon? Ganoon na ba kalaki ang pagbabago ni Enzo? He wasn't this heartless before.



It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon