"Karapatan ng mamayan, ipaglaban! Karapatan ng mamayan, ipaglaban!"
"Kuya, dito na lang po kami bababa," sabi ni ate Alie sa driver. Mukhang matatagalan pa kasi kung hihintayin ko ang mga nagra-rally. "Ms. Ernalie, hindi po matutuwa ang Gov sa'kin niyan. Kailangan ko po kayong ihatid sa school niyo mismo."
"Ayos lang po, kuya. Andyan na lang sa tapat ang school oh." Napapayag rin namin nang ate ang driver. Sinabi ko ring kasing mal-late siya sa meeting ni Daddy kung hihintayin pa namin.
"Bilisan mo, Air. Baka magkagulo pa 'yan mamaya, madamay pa tayo," hinila na ako ni ate para mapabilis ang lakad ko. Nakatingin pa rin ako sa mga nagra-rally.
Mayroong isang lalaki na may hawak ng megaphone, siya siguro ang tumatayong leader nila. "Deserve natin ang bagong gobyerno! Ialis ang mga corrupt sa pwesto!" sigaw nung lalaki.
"Ano ba 'yan? Bakit may mag nagra-rally kay aga-aga? Kung nag-aral na lang sana sila edi may natutunan pa sila sa eskwelahan," bulong ni ate Alie. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o ang sarili niya.
"Buti sana kung may choice silang pumasok, e kaso wala. Dahil ang iba dyan ang nagtatrabaho, tapos hindi naman nababayaran ng tama. Ninanakawan pa ng serbisyo na dapat ay sa kanila," sabi ng babae na nasa likod namin. Mukhang kasama rin siya sa mga aktibista at kararating lamang.
Nabigla si ate Alie doon sa sinabi ng babae. Hindi niya akalaing may makakarinig bukod sa aming dalawa. "E teka nga? Hindi ba't anak kayo ni Governor Elliot Alcantara? Kaya naman pala, may choice."
"Ate, tara na." Hinila ko ang kapatid ko papasok ng school. Hinahabol kaming dalawa ng hininga dahil halos tumakbo kami. "Dapat pala talaga nagpahatid na lang tayo sa mismong gate," sabi ko habang nagpupunas ng pawis.
"Ayos ka lang, ate?" tanong ko sa kanya. Nakatulala pa rin siya at hindi ako sinasagot. Hinatid ko na lang siya sa classroom niya.
"Air, nakahanap ka na ba ng sasalihang club?" tanong ni Joyce, classmate at seatmate ko. "Hindi pa nga e. Ikaw ba?"
"Wala pa rin. Mamaya bibigyan daw tayo ng time para maglibot sa mga booths, recruitment day kasi ngayon," pagku-kwento niya. Tumango na lang ako at ngumiti.
Mahiyain kasi talaga ako. Si ate lang ang palagi kong kasama kapag nasa labas kami ng bahay. Kasama namin ang driver at bodyguard. Ayaw ni Daddy na masyado kaming close sa iba, baka daw kasi iba ang intensyon lalo pa't nasa politika siya.
Nang bigyan na kami ng free time para i-check ang mga booths ay nakita ko na si ate Alie sa labas ng classroom ko. Pwede naman pumunta ang mga college sa building ng high school kapag dismissal na.
"Ayaw mo doon sa club namin?" tanong niya pagkalapit ko. Nagkibit-balikat ako, gusto kong makipaghalubilo sa iba kahit papaano. Tsaka sa totoo lang, marami kasi ang ginagawa sa school publication club.
"Try mong pumunta, baka magustuhan mo," anyaya niya at hinila na ako. Wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako.
"Uy, Alie! Siya ba ang bunso mong kapatid?" tanong ng babae kay ate Alie. Mukhang senior ito ni ate. Siya rin ata ang president ng club. "Hi, I'm Patrice. The editor-in-chief of the school publication," inabot niya ang kamay niya sa akin at malugod ko namang tinanggap. "Nice to meet you, I'm Eresel Serene. You can just call me Air."

BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...