"Last stop over na ito guys, ah? Malapit na tayo makarating!"
Sabay-sabay na kami sa iisang van patungo sa resort. Hindi naman ito kalayuan sa lugar namin. Marami na rin kasing modern resort lalo na dito sa probinsya dahil nagiging source ng tourism.
"Matutulog pa ako ng kaunti. Pakigising na lang ako," pakisaup ni Clay at inayos ang hoodie niya.
Tinapik lang siya ni Rupert na nasa tabi lang niya. Habang si Janelle naman ay busy kaka-scroll sa phone mukhang naghahanap ng maayos na music.
"Buti nakahabol ka pa pagkatapos ng gig mo, Clay," ani Janelle bago suoting ang earphones niya.
Kami ni ate Alie ang magkatabi sa may passenger seat, kaso bumaba muna siya para pumuntas sa CR. Si Enzo naman ang nasa shotgun seat. In-offeran niya ako ng snacks pero umiling lang ako at ngumiti.
"I'm still full, love," tugon ko. Sakto naman ang pagpasok ni Ate sa van kaya umarangkada na kami ulit sa daan.
Forty-five minutes ang tinahak namin mula doon sa stop over bago kami nakarating sa resort. Isang membership resort na tingin ko'y nasa gitna ng isang gubat ang resort na ito. Puno ito ng mga naglalakihang puno pati ang mga huni ng ibon ay rinig na rinig din. At hindi kalayuan ay matatanaw na din ang pool, beachfront, at daytour villas.
"Ay ang sosyal dito! Halatang pang-mayaman!" komento ni Janelle. Natawa naman kami ni Clayton sa kanya.
"Hoy, Rupert! Dalian mo diyan at pipicture-an mo na ako." Hinila niya si Rupert na tumutulong sa bell boy sa paglalagay ng gamit namin sa isang gold cart.
"Magtabi-tabi po kayo ah! Baka manuno 'yan si Janelle, Rupert!" natatawang paalala ni Clayton.
"Do you want to take pictures too?" tanong ni Enzo na kanina pa tahimik na nagmamasid sa mga tropa ko. I nodded at him. He respectfully handed his phone to Clayton so he can take our picture.
"Ay dito dito, maganda ang view. Instagrammable!" ani Clayton at inayos na ang camera.
Tinignan ko si Enzo bago matapos ang pagbibilang ni Clayton at napansin na pormal lang siyang nakangiti kaya ganoon rin ang ginawa ko.
"Oh next pose, next pose. Act sweet, act sweet," ani Clay na akala mo photographer namin sa isang pre-nup shoot.
I heard Enzo chuckle. "He's one good photographer huh." Then he placed his arms around my waist.
For the next shot, he kissed me on my forehead while still placing his arms around my waist. Then I decided to do the same to him, of course without kissing his forehead 'cause he's too tall. Hindi ko siya abot!
"Nice one! Pwede na po itong i-print for the wedding invitation, ma'am, sir." Binigay ni Clayton ang phone ni Enzo at tinapik ito sa balikat.
"Thanks, man," Enzo said and did the same to Clayton.
"Pwede pa airdrop ang mga photos natin, my love?" I asked sweetly. He pinched my cheeks. "Sure, mag-check-in na tayo so you can be comfortable while airdroping the photos."
Ah, this man makes me fall in love with him everyday.
Dalawang rooms ang kinuha namin. One for the girls and one for the boys. Good thing connecting naman ang rooms, so we won't have a hard time reaching out.
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...