27

12 0 0
                                    

"I, Elliott Alcantara received illegal funds from a conglomerate. Today, I will confess all details to the Prosecution and be duly punished. I hope my decision will right my wrongs."




Kagaya nang pagpapaalala noong prosecutor sa akin, nangyari na nga ang matagal kong ikinakatakot.



Ang pagbayarin si Daddy sa kanyang mga kasalanan tapos maiwan ako dito sa labas. I honestly don't think kung kakayanin ko ba.



"Alagaan mo po ang sarili mo, Ma'am Eresel. Pupwede mo akong tawagan kahit kailan mo gusto ah?" si Manang. Siya na lang ang huling naiwan dito sa bahay. Ang iba ay nakaalis na din.




"Thank you po, Manang. Sobra..sa lahat," tugon ko. Niyakap ko siya. Unti-unti ko namang narinig ang pag-iyak niya. Naiiyak na rin tuloy ako.



Ayokong paalisin sila, ayokong mawalay sa kanila ngunit kailangan kong gawin dahil may mga pamilya din silang binubuhay.



"Mag-ingat po kayo Mang Rey," kumaway ako sa kanila. Si Mang Rey ang maghahatid kay Manang pauwi sa probinsiya nila. Ilang oras lang naman ang byahe.




Naramdaman ko ang lungkot nang ako na lang ang maiwan sa bahay. Isang malaking bahay, mala-masyon, pero iisa lang ang taong nakatira. Ang lungkot.



Matagal na namang nabili ang bahay na ito kaya hindi ito makakadagdag sa mga gastusin ko. Iisipin ko na lamang paano makakahanap ng pera habang nag-aaral. Sayang din graduating na rin kasi ako.




"Iced white mocha for Clayton," pagdedeklara ko. Agad naman siyang lumapit sa counter at ngumiti.




"Thanks, Serene. Anong oras end ng shift mo?" tanong niya. "Mga 11pm pa."





Tumingin muna siya sa relos bago ako muling sagutin. "Malapit na rin. Hintayin na lang kita? Delikado na sa labas kapag ganitong oras."




Gaya ng pangako ni Clayton, hinintay nga niya ako. Ilang buwan na rin ang nakalipas magmula noon ay hindi na kami nag-usap o nagkita ni Enzo.



Nasanay na rin ako na si Clayton, Rupert, at Janelle ang mga kasama ko. Hindi nga lang sa school dahil graduate na silang tatlo at nagtatrabaho na, ako na lang ang fourth year.



"Kumusta ka na?" tanong niya sa'kin habang pinaglalaruan ang turtle key chain niya.




"Kawawa ang mga turtles 'no? People only look at their shells, how fast they swim or how slow they walk. Hindi nila tinitignan kung mga sugat, mga hirap na pinagdaanan nila."



Napatigil si Clayton sa paglalakad at tumingin sa akin. He doesn't look at me like I'm someone who hasn't received love all my life, he's looking at me like I'm someone he..adores?



Why can I see his eyes sparkling? Guni-guni ko lang ba iyon?



"Someone I know is like a turtle. Grabe sobrang lodi, I can't imagine how hard it is for her to go through all that," aniya bahagyang natawa. "Oh, english 'yon ah!"



Natawa ako at napangiti dahil sa sinabi niya. "Take it easy, Serene. Hindi mo kailangan i-pressure 'yong sarili mo na maging okay. It takes time." Ginulo niya ang buhok ko pagkatapos sabihin iyon.



Kinabukasan, day off ko. Sakto rin at day off ng tatlo kaya pumayag silang samahan ako sa detention center kung nasaan si Daddy.



"Kumusta ka, Dad?" tanong ko kay Daddy. Pumayat siya ngayon at mukhang hindi komportable sa kung nasaan man siya ngayon.



It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon