"Halika dito, Air. May it-try ako sa buhok mo."
Andito ako sa music room kasama sina Janelle, Rupert at Clayton. Napag-isipan ulit naming mag-jamming dahil ang tagal na noong huli naming pagsasama.
Hinayaan ko lang si Janelle na i-braid ang buhok ko habang inaalisa ko ang mga notes sa lyrics na nasa phone ko. Sina Clayton at Rupert naman nandoon sa kabilang dulo at mukhang may pinag-uusapan.
"So kumusta naman kayo ng manliligaw mo, Air? Sinagot mo na?" pakikiusyoso ni Janelle. Tinawanan ko lang siya.
"Ay no comment? Showbiz ka, girl?" pang-aasar niya.
"Hindi ko pa siya sinasagot, Janelle. First date pa lang naman."
"Wala naman 'yan sa kung naka-ilang date kayo. Kung nag-click kayo sa una pa lang at ramdam mo naman iyon, edi sagutin mo na agad. Sayang lang kapag pinatagal baka maunahan ka pa," komento ni Janelle.
"Aba! Parang bihasa ka na sa mga ganyan, Jan ah? Sino ba manliligaw mo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Wala! Wala namang nanliligaw sa akin!" Para bang may pinapatamaan siya habang sinasabi iyon. Napatingin ako sa gawi nina Clayton at napansing napatingin siya sa'min, ngunit si Rupert ay nakatungo lang.
"Tara na ulit?" tanong ni Clayton sa'min. Tumango naman ako at ngumiti. Sakto din na tapos na ang pag-aayos ni Janelle ng buhok ko.
"Oh pak! Baka mabaliw manliligaw mo niyan, Air," pagbibiro ni Janelle. "Sino nga ba kasi manliligaw mo?"
"Practice na daw ulit, Jan." Hinila ko na siya patayo.
Pumunta na kami sa kanya-kanyang pwesto. Ako bilang lead singer, si Clayton bilang lead guitarist, si Janelle sa keyboard at si Rupert naman sa drums.
"Mabuti pa sa lotto, may pag-asang manalo. 'Di tulad sa 'yo, imposible. Prinsesa ka, ako'y dukha. Sa TV lang naman kasi may mangyayari," kanta ni Clayton.
"At kahit mahal kita, wala akong magagawa. Tanggap ko, oh, aking sinta. Pangarap lang kita." Ako naman ang kumanta.
Pagkatapos ng huling jamming namin, ay nag-ayos na kami ng gamit. Saktong pagkatapos ko uminom ng tubig ay naramdaman ko ang biglaang pag-vibrate ng phone ko.
Raiden Lorenzo Go:
Hi. Nasaan ka? Sabay tayo lunch?
Eresel Serene Alcantara:
Sure. Sa club room na lang?
Raiden Lorenzo Go:
Alright. Don't buy your food, I have a surprise for you.
"Nako, mukhang nag-chat na 'yong manliligaw ni Air at hindi na siya makakasabay sa atin sa lunch," ani Janelle. Nasa tabi ko lang kasi siya.
Napansin niya ata ang pagtipa ko ng reply kay Enzo kaya inisip niya agad na manliligaw ko iyon. Minsan lang din kasi ako mag-phone kapag sila ang kasama ko.
"Hindi ka na sasabay sa'min, Serene?" tanong ni Clayton.
Tumango ako sa kanya. "Sorry, Clay. Okay lang ba next time na lang?"
![](https://img.wattpad.com/cover/280052810-288-k468436.jpg)
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Teen FictionEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...