"Architect Go withdraw from the election. He will now build his own company instead."
Narinig naman iyon mula sa balita sa TV. Ginawa lang kasi naming background ang TV habang nagbibihis.
Napansin ko ang struggle ni Clayton sa pag-aayos ng necktie kaya lumapit ako sa kanya para tulungan siya. Awtomatiko naman siyang napangiti sa ginawa ko.
"Thank you, wabi," aniya at hinalikan ako sa noo. Ayan, nasanay na kami sa pagtawag ng 'wabi' sa isa't isa. Hindi ko alam kung pabebe term ba ito ng 'lovey' or short cut para sa 'wasabi'.
"Ano na lang gagawin mo kapag wala ako?" pabiro kong tanong sa kanya.
"I know right," tugon niya sa isang boses na palagiang kong ginagamit kapag ayon din ang sinasabi ko sa kanya. Tinarayan ko lang siya.
"Wabi, ano ba mas okay mag half ponytail ako or okay na ang ganito?" tanong ko sa kanya.
Nakalugay lang kasi ang buhok ko at hindi ko alam kung aayusin ko ba. Normal naman bagsak na ang buhok ko, kaya kadalasan hindi ko na inaayos.
"Half ponytail," ngumiti siya at inayos ang takas na buhok papunta sa tainga ko. "Ganda yarn," aniya at pareho kaming natawa.
"Oo naman, ganda! Patay na patay ka nga, e," tugon ko habang nagsisimula nang ayusin ang buhok.
"Ah, wala na. 'Di na ako papalag diyan," sagot ni Clay, at inangat pa ang dalawang kamay na animo'y sumusuko na.
Naghahanda na kami ngayon para sa kasal nina Janelle at Rupert. Ang bilis nga ng panahon, ilang linggo na pala ang nakalipas magmula noong ihatid nila ang envelope sa'min ni Clay.
Andito kami ngayon sa bathroom ng kwarto ko. Abala si Clayton sa pag-aayos ng damit, habang ako naman ay abala sa pagm-make up. Kinakailangan naming mas maaga na pumunta dahil maid of honor ako ni Janelle, at si Clay naman ay best man ni Rupert.
Clayton wore a silver tuxedo and white long sleeves as his inner. He paired his outfit with a black shoes. Nag-fit 'yong outfit niya sa tangkad at tindig niya. Even his hair was so clean at may naiiwan pang takas na buhok sa noo niya.
"Oh, 'wag masyado magpapogi. Baka dumami ang kaagawa ko niyan," pagbibiro ko sa kanya.
"Hindi naman po papaagaw," tugon niya at hinalikan ang pisngi ko.
Sa ilang buwan na magkasama kami, napansin ko na he would always find a way to kiss me. Maybe physical touch is his love language. Ang dami pa namin kailangang malaman sa isa't isa.
"I pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride."
Nagpalakpakan kaming lahat nang magdampi ang mga labi nina Janelle at Clayton. My heart is so happy seeing two of my bestfriends happy. Parang dati nagbabardagulan lang sila, ngayon nangangako na sila sa isa't isa sa harap ng altar.
"May we call on the best man, Mr. Clayton Gamboa. To give us his speech for the newly weds." Nagpalakpakan ang lahat nang tawagin ang pangalan ni Clay.
"Ehem..Ehem..Hello, everyone. Good evening. Gusto ko lang po sabihin na hanggang ngayon nagtatampo pa rin ako kina Jan at Pert kasi noong kailan lang ako sinabihan na magpapakasal na pala sila." Nagsimula nanamang magtawanan ang tao.
Kahit pala magtampo kami, e kami pa rin ang unang sinabihan at unang binigyan ng invitation.
"Sobra na natin tanggal na magkakaibigan, mula sa kasiyahan hanggang sa mga hindi inaasahang pangyayari ay nandoon kayo. Ang tanging hiling ko lang ay maging tunay kayong masaya. Oo, may mga hindi pagkakaintindihan. Hindi 'yan maiiwasan. Ang mahalaga palagi niyong piliin ang isa't isa araw-araw."
Nagpalakpakan ang tao pagkatapos magsalita ni Clayton. Napansin ko ring napaiyak ng bahagya si Janelle. She must be so emotional today, that's unusual of her. I can see happy tears from Jan, from where I was sitting. I am so happy for her.
Nang matapos na ang reception at after party, ay dumiretso na kami ni Clay sa room namin. It was a villa, katabi lang nang kina Janelle. Same villa rin sa kanila.
Nakatambay kami dito sa beranda ngayon, hirap pa kami inaatok parehas. Magkatabi kaming nakaupo sa rattan chair.
Nagulat na lang ako nang lumuhod siya at naglabas siya ng singsing. It wasn't extravagant. It's a simple slim gold ring.
"I'll upgrade this ring every year from you," aniya at isinuot ang singsing sa'kin. "Pasensya na, eto lang nakayanan ko."
Dahan-dahan ko siyang hinila pataas mula sa pagkakaluhod. "Grabe naman 'yon, hindi naman kailangan every year."
"Iba kasi siya sa mga sinusuot mo e, masyadong ordinary ito," ani Clay. He must have notice the gold accessories that I used to wear. Binenta ko na ang mga iyon para may mapang-sweldo sa mga trabahador namin dati. Ang natira ay pinangbayad ko sa mga utang ni Daddy.
"But this is the prettiest," tugon ko sa kanya. Clayton smiled from ear to ear. Halatang kinilig pa ang isang 'to.
"You fill me up completely. I can't distance myself or disappear from your sight. My love, until the very day you close your eyes, i'll always be there by your side."
Bahagya akong nagulat. "Saan mo nakuha 'yan?"
"Kapag kinikilig talaga ako napapa-english ako, wabi. Gulat ka 'no? Ilang taon na tayong magkakilala pero marami ka pang hindi alam sa akin."
Napatango naman ako. "Kung saan saan ka kasi nakatingin noon, wabi. Andito naman ako." Kinurot ko ang balikat niya. "Sira ka talaga!"
"Ang mahalaga andito ka na ngayon," dagdag ko. Nakita ko siyang tumango. "Oo nga naman. Ang magalaga ako ang endgame mo," aniya at kumindat sa akin.
Panay tawa talaga ako kapag siya ang kausap ko. "During all those times I spent with you, I was smiling. I didnt know I could smile happily like that."
"Keep on smiling like that, Eresel Serene," tugon niya at kinurot ang pisngi ko. Paborito niya iyong kurotin.
Sabi nila chubby daw ang cheeks ko, but I don't really mind. Cute nga 'yon e, hindi ba?
"I can't smile without you. So, please, let me stay by your side," sabi ko at hinawakan ang mga kamay niya.
Pinagsalikop naman niya ang mga kamay naming dalawa. "Thank you for choosing me."

BINABASA MO ANG
It Might Be You
Novela JuvenilEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...