06

15 0 0
                                    

"Anong sabi mo? Pwedeng paki-ulit?"








Umiling lang si Enzo at bahagyang natawa. Patuloy pa rin na nakakunot ang noo ko. Paanong it bothers him? My situation bothers him? Hindi ko naman siya ginugulo.






"It bothers me that they are hurting you, pero wala kang ginagawa," tugon niya.





Nang sabihin niya iyon ay unti-unti akong umatras. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.





"Ah, a-alis na ako. May k-klase pa ako." Dali-dali akong tumakbo at hindi na hinintaybpa ang sasabihin niya.






Nang makabalik ako sa room ay parang wala lang nangyaring away sa quadrangle kanina. Kung nabalitaan lang ito ni Ate hindi niya palalagpasin pa iyon. Sana wag nilang malaman, kahit sina Daddy rin.





"Eresel, ayos lang ba kung ikaw na lang dito sa part na 'to?" tanong ni Nathalie sa'kin. Ka-grupo ko sa research.





"Ayos lang, Nat," ngumiti ako sa kanya at kinuha iyong mga papel na gagawan ko ng research.





"Sa wednesday, meet tayo during lunch. Pag-uusapan lang iyong mga na-research para aware ang lahat," sambit niya at saka umalis na sa tabi ko.




Nakinig lang ako sa discussion buong magdamag. Ayon lang naman ang dapat kong gawin sa ngayon.






Nang ma-dismiss na kami sa klase ay inayos ko lang ang gamit ko at tsaka lumabas na ng classroom. Nag-isip ako kung saan ako pupunta. Ayaw ko sa cafeteria, masyadong marami ang estudyante doon ngayon. E kung matulog na lang kaya muna ako sa library? Ayon, pwede!





Papunta na sana ako sa library nang makita si Gillian Sanchez at Enzo na nag-uusap sa may pintuan ng library. Hahayaan ko lang sana sila at patuloy na papasok sa library nang tawagin ako ni Enzo.





"Alcantara!" tawag niya sa'kin. Dahan-dahan kong inangat ang ulo kong nakayuko. "Ay w-wait lang, Pres. May..May naiwan ako sa room!"






Tinakbuhan ko nanaman siya. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing makikita ko siya naalala ko 'yong sinabi niya. Na-awkwardan ako, nahihiya ako o natatakot ako. Hindi ko na rin alam.





Sakto naman nakita ko sina Clayton, Rupert at Janelle na naguusap-usap sa may batibot. Si Clayton ay may hawak ng gitara, habang si Rupert ata iyong kumakanta at nagsusulat lang si Janelle.





"Psst, Clayton!" tawag ko.






Nilapitan ko na siya nang makita sa may batibot. Hindi niya ata ako marinig kaya hindi niya ako nilingon. Pagkalapit ko, napansin kong tumutugtog pala siya ng gitara. Kumaway sa'kin si Janelle at ngumiti naman si Rupert.







"Sakto, Eresel. Nagpapakitang gilas si Clay," pagbibiro ni Rupert. Binatukan siya ni Clayton.




"Aray naman tol! Ayan, nahiya na tuloy siya," patuloy pa ring pang-aasar ni Rupert.





"Hi, Air! 'Lika upo ka dito," ani Clay at marahang pinalo ang bakanteng upuan na nasa tabi niya.




"Salamat," tugon ko at naupo na sa tabi niya.




"Ano meron?" tanong ko sa kanila. Inalok muna ako ni Janelle ng chichirya na kinakain nila pero umiling lang ako at ngumiti.





It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon