EPILOGUE

18 0 1
                                    

"Congrats, tol! Alam kong matagal mo rin 'tong hinintay," pagbati ko kay Rupert. Tinapik naman niya ang balikat ko.



"Salamat, pre! Kailan kayo? Pwede na next year," tugon naman niya. Naisip ko na rin 'yon, kaso hindi ko pa alam kung papayag ba si Serene. Baka isipin niyang masyado akong nagmamadali.




"Ang ganda ng design ng location sa reception kanina 'no?" tanong ni Serene sa'kin.



Andito kami ngayon sa hotel room na pinags-stay-an namin. Nasa may kabila lang sina Janelle at Rupert. VIP Suite ang kinuha nila para sa'min, sabi ko kahit regular lang ayos naman sa'min.



"Bakit, wabi? Ano bang gusto mong theme kapag sa'tin?" tanong ko sa kanya. Nagulat rin ako sa sarili kong tanong, gayundin siya.


"Mas..mas gusto ko rustic theme, tapos rust 'yong color ng gown ng mga bridesmaid ganon," tugon niya. Napangiti ako, nag-iisip na rin pala siya tungkol doon.



"Ikaw ba? Anong gusto mong theme?" tanong niya. "Rustic theme din. Kung ano ang gusto mo, ayos lang sa'kin."



Nagulat ako nang lumapit siya at hinalikan ang pisngi ko. Napangiti naman ako. Minsan lang siya humalik sa'kin kaya palagi talaga akong natutuwa kapag ginagawa niya iyon.




"Akin na," ani ko at kinuha ang cotton pad at makeup removed niya. Sa kama, magkatapat kami. Nakapikit siya habang nakangiti, ako naman abala sa pagtatanggal ng make up niya.




"Ano pa bang gusto mo, maliban sa rustic theme?" tanong niya.




"Syempre, ang makasal sa'yo," tugon ko. Marahan naman niya akong pinalo sa balikat. "Tama na, Clayton. Kilig na kilig na ako oh. Sa'yo naman na ako e."




Natawa ako sa reaction niya. Mas gugustuhin ko pa din na napapakilig ko siya kaysa sa naman sa hindi. Kahit kami na, mas pipiliin ko pa ding ligawan siya araw-araw.




Nang matapos kong tanggaling ang make-up niya, napagdesisyunan namin tumambay sa balcony ng hotel room habang nainom ng red wine. Pareho kaming nakaupo sa isang rattan chair na nakalagay dito sa may balcony.


"Wabi.." tawag niya.




"Hmm?" tanong ko at sumulyap sa kanya.




"Kung hindi ako pumuntang Batangas noong araw na iyon, pipiliin mo pa rin ba ako? Susukuan mo na ba sana ako noon?"




Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay ni Serene. I've been calling her Serene, instead of Air or Eresel, because her presence makes me feel calm. She is my peace of mind.



"Patuloy pa rin kitang pipiliin, wabi. Kahit anong mangyari," tugon ko at pinaglapit ang labi naming dalawa.




"Uwi na tayo?" tanong ko sa kanya habang nakaakbay at pinagmamasdan namin ang dalampasigan.




"I'm home now, wabi. You are my home." Hinalikan niya ako sa pisngi. Napangiti naman ako at hinalikan siya sa noo.




"How about my past, wabi?" nagaalala kong tanong. Naisip ko kasi kung nab-bother pa rin ba siya doon. He was there in the first place.





"To me your past doesn't matter, because it's you that I'm in love with. When I saw you that time, I told myself  that I want to spend my lifetime with you."




"Can we do that?" tanong sa'kin ni Eresel.
"Will you do that for me?"




"We'll do it together," tugon ko at hinalikan siya sa noo.



Ilang araw matapos ang kasal nina Janelle at Rupert ay bumalik na kami sa pagtatrabaho. Naging abala kami ni Serene sa opening ng restaurant niya sa Batangas, minsan na lang rin kami nakakauwi sa Napas.




"Hey, masyado kang malapit," suway niya sa akin habang nagsusulat ako ng sales. Paano ba naman kasi, nakatitig lang ako habang nagsusulat siya.



Isccoffed.  "Ano akala mo sa'kin? Alam ko ang pagitan nang trabaho at landi ha, pero di ko kaya 'yon. Didikit pa din ako sayo." Natawa rin tuloy ako sa sinabi ko.




"Ang kulit mo naman, Gamboa! Paulanan ko nang bala 'yang bibig mo, e."



I gestured her to stay quiet. "Ikaw talaga, bibig mo." Mayroon pa akong pahabol na sinabi pero pabulong. "Halikan ko 'yan, e."




"Ano sabi mo?" tanong ni Serene. Hindi niya ba talaga narinig o nagkukunwari lang ito? Lagi siyang ganiyan e, pinapaulit sa akin.



"Sorry, ma'am. Hindi na po pwede ulitin," tugon kong natatawa.



"Pwede mo naman kasi gawin," tugon niya. Nabigla ang paglaki ng mga mata ko sa sinabi niya.



"Eresel Serene!" gulat kong sabi at napahawak  pa ako sa dibdib.




"Ano?" natatawa niyang tanong. "Alam mo namang kahinaan kita, tapos ganyan ka magsalita. Unfair!"



Sumimangot lang ako, talo ako doon ah! Natawa siya at hinalikan ako sa pinsgi tsaka siya tumungo sa stage. Sa gabing ito, kaming dalawa ang nakaatas na kumanta.



Pinili namin pareho ang kantang 'It Might Be You.' It perfectly resembles our relationship. For years, we were unsure of all the things that are happening around us. Ngayon, sa buhay ko, masasabi kong ngayon lang ako naging sigurado nang ganito. Walang halong takot, pero puno ng tiwala. Tiwala sa sarili ko, kay Serene, sa pagmamahalan namin, at sa mga taong nakapaligid sa amin.


"Time, I've been passing time watching trains go by.  All of my life. Lying on the sand watching seabirds fly. Wishing there would be someone waiting home for me. Something's telling me it might be you. It's telling me it might be you. All of my life," sinimulan ko ang pagkanta na sinundan naman ni Serene.


"Looking back as lovers go walking past
All of my life
Wondering how they met and what makes it last. If I found the place Would I recognize the face? Something's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it might be you."



Hanggang sa nagsabay na kaming dalawa. Narinig na rin namin ang palakpakan ng mga bisita at staff.



"So many quiet walks to take. So many dreams to wake. And with so much love to make
I think we're gonna meet some time. Maybe all we need is time. And it's telling me it might be you. All of my life
I've been saving love songs and lullabies
And there's so much more. No one's ever heard before.bSomething's telling me it might be you
Yeah, it's telling me it must be you. And I'm feeling it'll just be you all of my life."






I love someone who suffered and understands suffering. I love someone who looks at me and sees who I am and how I feel, to the point that I don't even need to say a word. Someone who doesn't change me for who I am and instead accepts all of me. There are a lot of billion people in this world, but there is only one of her. And that's my Eresel Serene M. Alcantara.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon