"We'll have a transaction with them next week. Sa liblib na lugar sa Batangas ito isasagawa."
Papasok na sana kami ni Enzo sa gate ng bahay pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa palapulsuhan ko. Rinig ko ang boses nila Daddy at Tito Limuel.
"Let's wait here," bulong sa'kin ni Enzo. Tahimik lang ako na tumayo sa tabi niya. Napansin kong nakahawak pa rin siya sa palapulsuhan ko kaya tinignan ko iyon.
"Ah, sorry," ani Enzo at dahan-dahang binitawan ang palapulsuhan ko.
"We have to out number them, Limuel. Dapat mas marami pa ang mga body guards na kasama natin kaysa kanila. Mahirap na," komento ni Daddy.
"Pinapaayos ko na iyon sa mga body guards ko, Gov. Makakasiguro tayo na hindi tayo masusundan ng media kung manggagaling ka sa company ninyo. It's your usual routine. Hindi sila magtataka."
"They really decided to play it dirty huh," bulong muli ni Enzo. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya o ang sarili niya.
"Bakit ayaw nilang masundan ng media? What transaction are they going to make?" takang tanong ko.
Sa mga narinig ko sa puntong iyon, mas naintindihan ko kung saan nanggaling 'yong galit ni Lorenzo. Kagaya ko, hindi niya rin siguro ma-comprehend na kayang gawin iyon ng Tito niya. Daddy and Tito Limuel didn't want any media to cover what dirty tricks they decided to. It disgusts me to know na kasama si Daddy doon. What happened to him?
Hinila ako ni Enzo papalayo sa gate ng bahay ng marinig na papalabas na sina Daddy at Tito Limuel. Dito kami sa may likuran nagtago. Hindi naman na kami makikita dahil bakante pa ang lote at napaliligiran ito ng mga puno.
Maya-maya tumawag na si Tito Limuel kay Enzo. Sinagot naman niya ito. Tahimik lang akong nakatingin sa paligid.
"Sinamahan ko lang po si Alcan—Eresel na mamigay ng cupcakes, Tito," rinig kong sabi ni Enzo. "Pauwi na rin po kami. Mauna na lang kayo."
Bumuntong-hininga si Enzo pagkababa ng tawag. Gusto ko mang tanungin sa kanya kung ano ang pinag-usapan nila pero gusto ko ring respetuhin 'yong privacy nila.
"He's really good at acting. Gusto niya pang sabay kami na umuwi e ayaw nga niya na nandoon ako sa bahay niya. I live on a different house, apartment," pagku-kwento niya. Tumango-tango naman ako. "How 'bout the rent? I mean—si Tito rin ba ang nagbabayad?"
"I do part time job,"ani Enzo na ikinagulat ko. "Oh, I didn't know."
"Kailan mo nga pala nalaman ang ginagawa nila?" kuryoso kong tanong. Dati niya pa ako minumulat sa mga ginagawa ni Daddy pero ngayon ko lang talaga na-experience ang ganito.
"2 years ago, I think? I tried to join in different outreach programs because of guilt. Then I learned about the club, kung ano ang mga ginagawa nila. So I decided to join, I wanted to give hope to the voiceless. Para sa'kin, kahit pa mismo sarili kong kadugo ipapababa ko sa pwesto, maituwid lang ang mga masasama nilang ginagawa," Enzo said.
"You're strong huh. Buti at hindi pa nalalaman ng Tito mo ang pinaggagawa mo?" tanong ko. "I'm trying to plan this carefully para walang sabit. I want to bring him down."
Napangiti ako. I admire him for his strong dedication. "Thank you for opening my eyes, Mr. President."
That conversation made me realize that I myself want to fight for the opressed just like him. Gusto ko na ako mismo itutuwid din ang mga masasamang nagawa ni Daddy.
![](https://img.wattpad.com/cover/280052810-288-k468436.jpg)
BINABASA MO ANG
It Might Be You
Fiksi RemajaEnzo Go and Air Alcantara who were in love with each other during their teenage years, met again as young adults. They have found out that they've become different people during those years that they were not together. Will their love prove that th...