Chapter 13

312 10 0
                                    

Pagkalapag ng eroplanong sinasakyan ko ay nagpasya akong sa hotel muna tumuloy. Ayokong makita ako nila mama sa ganitong sitwasyon.

"One room, please." bungad ko sa front desk na agad naman tumalima at nakangiting binigay sa akin ang susi. Gusto ko mang  ngitian siya pabalik pero hindi kaya ng labi ko na umangat man lang.

Pagpasok sa kuwarto ay inilapag ko ang maleta ko at lumabas ng verana. Bumungad sa akin ang simoy ng hangin na nanggagaling sa tabing dagat. Napatingin ako sa kalangitan at wala ni isa ang makikitang bituin na tila nakikidalamhati sa sakit na aking nararamdaman.

Bago pa ako maiyak ulit ay ngpasya akong magpunta sa malapit na bar sa kabilang kanto para kahit papaano ay hindi ko maramdaman ang sakit. Tumawid ako sa kalsada at tuluyan ng pumasok. I drink and drink until I don’t know. Then I found my self calling my mother na agad naman niyang sinagot.

“Anak?” aniya sa kabilang linya na nagpatulo na naman sa luha ko. Pesteng mata to ayaw tumugil!

“’ma… ayaw na niya sakin . Ang sakit sakit ma.. ang sakit sakit.. sana di ko na lang siya minahal.. its over.. wala ng kasalan ma.. inayawan na ako ng groom to be ko.. iniwan na niya ako…” sabay hikbi ko.

“Baby, where are you? Please, sabihin mo sakin. I will ready the plane, please, tell me.” Nag-aalalang sabi niya. But I didn’t tell her though. Instead I said,

“I love you, ‘ma.” Then I turn-off the phone. Lumabas ako ng bar at nag-antay ng taxi. Medyo maaga pa kaya naman sigurado akong may pumapasada pa.

Sa isang park ako nagpahatid dahil ayoko munang umuwi. I just sat in one of the swing then look at the sky full of stars. I wonder how darkness can be this beautiful and peaceful. Parang kaya nitong pawiin ang sakit na nadarama mo. Kung sana ganun lang kadali kalimutan ang sakit. Kung sana pwede kong i-pause muna para di ko na ito maramdaman, pero wala eh.

I look up again then closed my eyes. I wish I can forget him. Forget everything about him, both happy ang painful memories of him. Sana paggising ko, nakalimutan ko na siya.

Ilang minuto pa akong nanatili doon hanggang sa mapagpasyahan kung umuwi na. Habang naglalakad ay may nakita akong ice cream parlor sa kabilang kalsada. My comfort food.

I smiled then attempted to cross the street, pero bago pa ako makatawid ay tumalsik na ang katawan ko at unti-unting lumalabo ang paningin ko.

I smiled for the last time hanggang sa nabalot na ng kadiliman ang paligid ko.

Please God, take me now..

Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag. Agad akong napangiti ng mapait ng maalala Ang nangyari. Why didn't take me with you?

Napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon. Naluluhang mukha ni mama ang sumalubong sa akin. Dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Are you okay, princess? Please tell me Kung may masakit pa sayo."

Tinuro ko ang puso ko. "Dito Yong masakit 'ma. Parang unti-unting pinupunit. Ang sakit-sakit, 'ma. Sobrang sakit." Sabay hagulhol ko.

"Tahan na anak. Hindi makakabuti sayo Yan. Please, tumahan ka na." Alo niya sa akin pero iyak Lang ako ng iyak hanggang sa pumasok Ang doctor at tinurukan ako ng pampakalma.

Kita ko Ang awa sa mata ni mama habang nakatingin sa akin. Umiwas Lang ako ng tingin at tumingin sa labas ng bintana.

Ganito ba talaga kasakit Ang magmahal? O maling tao Lang ang minahal ko kaya ako naaasaktan ng ganito?

Ilang araw Lang ang nilagi ko sa ospital at iniuwi na ako ni mama sa bahay namin dito sa Pangasinan. Wala si kuya dahil siya na ang namamahala sa kompanya ni Lolo.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon