Happy 300+ reads. Thank you so much for reading and patiently waiting for my update. Here's chapter 28. Enjoy!
****
Serene's POVSo… kayo na?” tanong ko kay Marco. Napaagpasyahan namin na mag-early dinner together. Medyo ayaw pa ngang pumayag ni Matyas nong una, but I insisted. Kaya wala na siyang nagawa pa. Patay na patay yun sakin eh.
Napabuntong-hininga siya. “Di pa nga eh. Ang hirap niyang suyuin. I know that I hurt her before at gagawin ko ang lahat para mapatawad niya ako. Tama nga sila, ang hirap ng kunin ang loob at tiwala ng isang babae once na napagod na. But I will do everything for her. She's all worth it."
Tinapik ko ang balikat niya. “Just show her how much you regret what you did. Ipakita mong nagbago ka na. You can do it. Nandito lang ako kung kailangan mo ako.” Saksi ako kung gaano niya kamahal si Marian noon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagseselos sa akin si Marian eh magkapatid na ang turingan namin ni Marco. Siguro dahil na rin sa sobrang closeness namin dahil nga magkababata din kami at sabay na lumaki. But despite that, I never saw him more than a friend or a brother.
Napalingon ako ng biglang may humalik sa pisngi ko. Nakangiting mukha ni Matyas ang nasilayan ko.
“Let’s go? Medyo gumagabi na. baka hinahanap ka na ni Yumi.” Tumango naman ako saka bumaling kay Marco para magpaalam na.
“Just call me if you need me.”
Magkahawak-kamay kaming naglakad ni Mathius papunta sa sasakyan niya. Pinagbukas niya ako ng pinto saka na rin siya pumasok at nagdrive.
“Kumusta si Marian?” napalingon siya sa akin ng marinig ang tanong ko.
He sighed. “I don’t know what’s the real score between them but I don’t want to see my sister hurting again. Hindi ko alam kung okay lang siya o nagpapanggap lang na masaya. She smiles at me pero hindi ko ramdam yong tunay na saya. Ayaw ko na lang na mangialam. Malaki na siya. I will just support her and be with her if she needs me.”
Hindi ko din alam ag totoong istorya kung bakit sila naghiwalay. I witnessed how much they loved each other before and I don’t know what went wrong. Siguro pagsubok lang ito sa kanila kung kaya ba nilang ipaglaban ang pagmamahal nila sa isa’t-isa. Kung hanggang saan ang tiwalang maibibigay nila. Minsan kasi hindi sapat yong mahal mo lang yong isang tao, dapat may tiwala ka din sa kanya. Dyan kasi madalas nasisira ang isang relasyon. Sa kawalan ng sapat na tiwala.
Pagdating namin sa bahay ay pasado alas siyete na ng gabi. nadatnan namin sina mama at Yumi na kumakain.
“Tita hinatid ko lang po si Serene. Mauna na po ako.” Paalam ni Mathius ng makalapit kami. He kissed me and Yumi in the cheeks. Akmang tatalikod na siya ng tawagin siya ni mama.
“Saluhan mo muna kami.” Aya ni mama sa kanya na agad naman niyang inilingan.
“Hindi na po, tita. Actually nag-early dinner na po kami ni Ren. Hinatid ko Lang po talaga siya."
Muli pa siyang nagpaalam bago tuluyang umalis. Ako naman ay nagpaalam na aakyat na sa kuwarto para magbihis. Pagkatapos kung magbihis ay saktong pagpasok ni Yumi sa loob ng kuwarto. Nauna na itong nahiga sa kama kaya naman ay tinabihan ko ito.
“Tita, can I borrow your phone? Tatawagan ko lang sana si daddy." Tumango ako at kinuha sa bag ko ang phone ko saka inabot sa kanya.
“hello daddy.. no I just missed you and lolo. Is Matthew okay na dad? Magaling na po ba siya?.. Talaga po?! Edi pwede na rin po siyang umuwi dito.. yey!! Thanks dad. Sige po babye! I love you! Kiss Matthew for me..muah!” pagkapatay niya ng tawag ay nakangiti siyang humarap sa akin at inabot ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)
RomansAgatha Serene hate Kiel Mathius since they were a child. They keep on pissing each other and call themselves as 'frenemy'. Things got change when they grew up. Instead of pissing each other, they fell in love together. Its almost a happily ever afte...