Chapter 26

290 7 0
                                    

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok. Sumungaw sa pinto si mama na nakabusangot ang mukha. Mukhang Alam ko na Ang dahilan Kung bakit hindi na Naman maipinta ang mukha niya. Isang bagay--I mean isang tao lang naman ang Kaya siyang inisin ng ganyan eh hihi. Si Papa. Ewan ko ba lagi na lang kumukulo dugo niya pagnakikita ito.

“Nandito na Naman ang papa mo. Labas daw kayo nila Yumi.” Yamot na sabi ni mama.

“Sige ‘Ma. Paakyatin niyo na si Yumi para mabihisan ko. Hindi po ba kayo sasama samin? alam niyo na, family bonding.” asar ko pa na lalong ikinayamot niya.

She leered at me. "Bat naman ako sasama? Ayoko ngang makasama ang gago na yun! Manigas siya! nakakairita Ang pagmumukha niya!” Natawa naman ako sa asta ni mama. Ewan ko ba sa magulang ko. Halata namang mahal pa nila ang isa’t-isa pinapahirapan pa nila ang sarili nila. Ganun siguro kapag tumatanda na, nagiging pakipot.

Tumayo ako. "Sige na nga. Bahala kayo kung ayaw niyong sumama. Matatanda na kayo, daig niyo pa ang mga bata kung mag-away. Sige kayo, baka makakita si papa ng mas Bata, gwapo pa Naman siya kaya Hindi malabo. Alam niyo na, sugar baby kumaga.” ani ko sabay taas baba pa ng kilay ko.

Pero umismid lang si mama na ikinatawa ko. "Oh siya, paaakyatin ko na dito ang apo ko. At Wala akong pake Kung makahanap man siya ng Bata! Di naman ako ang magiging sugar daddy." huling sabi ni mama saka na lumabas ng kuwarto ko. Maya-maya ay pumasok na si Yumi kaya naman ay binihisan ko na siya at saka na rin ako nag-ayos.

I just wore fitted white croptop and highwaist denim skirt partnered with my white low cut airforce shoes. Nang makuntento sa ayos ko ay kinuha ko na ang bag ko pati na ang ibang gamit ni Yumi.

Pagkababa namin ay nadatnan namin sina mama na nagbabangayan na naman. Kailan Kaya magbabati Ang dalawang ito? Nakasimangot na lumapit sa kanila si Yumi.

“Lolo, lola, nag-aaway po ba kayo? di ba po bad ang mag-away? dapat we always love each other diba po.?” tanong ni Yumi. Agad namang huminto ang dalawa at kapwa napaayos ng tayo.

“Hindi apo ah, mahal na mahal ko kaya tong lola mo. Di ba love ko? I love you.” sabay yakap pa ni papa kay mama. Natawa naman ako sa itsura ni mama dahil kulang na lang ay umusok ang tainga nito sa inis.

“Nag-aaway po kayo eh. Kiss nga po kayo kung bati po talaga kayo.”

Nanlaki ang mata ni mama at agad na bumitaw kay papa saka na umalis sa harapan namin. Nagkibit balikat na lang kaming tatlo. Nainis na talaga si mama haha.

Humagikhik si Yumi. “Lolo, bilihan mo po kasi si lola ng flowers and chocolates para di na po niya kayo niaaway. Dapat mas maging sweet po kayo sa kanya.” Ginulo ni papa ang buhok ni Yumi.

“Hayaan mo pag-uwi natin bibilihan ko siya ng madami. With matching hugs and kisses pa para mas dama.” Natatawang sang-ayon ni papa.

Pagdating namin sa Mall ay kung ano-ano ang pinagbibili ni papa para sa amin. Hinayaan nalang namin siya dahil gusto daw niyang bumawi. Buti na lang at may bodyguard siya kaya sila ang tagabuhat ng mga binili namin. Hindi nga maiwasang mapatingin ng mga tao sa amin eh and I wonder why? Hindi naman kami artista ah.

"Dad, bakit po kaya sila tumitingin sa atin." kalaunay tanong ko na di na nakapigil.

"Maybe because I'm with two gorgeous ladies?" sagot ni Papa na ikinasimangot ko. “Anyway, Saan niyo gustong kumain?”

“Jollibee!”

Sabay sabay kaming naglakad papunta sa Jollibee dahil walking distance lang naman ito mula sa mall na pinanggalingan namin. Pagdating namin doon ay ang daming tao, buti na lang at may nakita pa kaming puwesto sa gilid.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon