Chapter 15

334 9 0
                                    

"W-what... are you saying...? Haha, prank ba to? As far as I know we're not that close for you to kid around. So better stop. Hindi nakakatawa." peke akong tumawa para ibsan ang tensyon sa pagitan namin dahil sa sinabi niya. Ni Hindi ko maintindihan Kung bakit kailangan niya pang magsinungaling. Is she really my friend way back then? Base sa tanda ko is Hindi Naman kami ganoon ka-close like how I am with Lila. For me, she's just my friend's stalker. Kaya siguro Hindi ko siya ganoong Tanda nong unang Kita ko ulit sa kanya.

Nakayuko lang ito. "I'm telling the truth. I was actually drunk that time when I accidentally hit you. Dahil na rin siguro sa galit ko sayo kaya ko nagawa yun. I'm really sorry."

Biglang sumagi sa isip ko. Oo nga pala, I was hit by a car when I flew back here. Bakit nga ba nawala sa isip ko iyon? Nevermind, kasalanan ko rin Naman dahil bigla akong tumawid.

Tumayo ako na ikinatingin niya sa akin. "You know what? I still have things to do than to hear this. Kung ikaw man Ang nakabangga sa akin then it's okay. Tapos na yon. Hindi na natin maibabalik ang nangyari." aniko at tuluyan ng lumabas at nagpara ng taxi. Mas mabuti pang magtungo sa ospital para sa session ko at gamot since sumasakit na nman Ang ulo ko kaysa maniwala sa pinagsasasabi noya na walang katotohanan.

Pag-uwi ko sa bahay ay lutang pa rin ang isip ko dahil sa mga sinabi sa akin ni Marian. Kahit pilit Kong Alisin ito sa isip ko at kusa itong lumilitaw. Kung siya ang nakasagasa sa akin nong pauwi ako ng Pilipinas. Bakit nga ba ako umuwi noon? Ang Tanda ko lang is umiiyak ako habang naglalakad hanggang sa mabunggo ako. Bakit nga kaya ako umiiyak nun?

Am I missing something?

"Oh, apo, nakauwi ka na pala. How's your talk with Marian?" Napatingin ako kay Lolo na nanonood sa sala. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"It's okay, Lo. Medyo hindi Lang maganda Ang kinilabasan Anyway, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" Tumango ito at ginulo ang buhok niya. Gawain na niya iyan simula pa nong bata ako kapag dumadalaw kami dito.

"You know that I'll do everything for you, right, apo? Kahit ano gagawin ko huwag lang kayong masaktan ng kuya mo. Mahal na mahal ko kayong dalawa. Remember that." Niyakap niya ako ng mahigpit. I know how much Lolo loves us. Ramdam na ramdam ko iyon mula ng dito na ako sa kanya manirahan five years ago.

"Lo, kailan po pala uuwi sila mama?" isang taon na rin kasi nong huli kong nakita si mama. Basta ang alam ko ay kasama niya si kuya sa ibang bansa, habang ang papa ko naman ay matagal ng patay ayon kay mama. Mula pagkabata ay sinabi niga na sa Amin na Wala na Ito at huwag ng hanapin pa. Siguro nasanay na din kami dahil bukod sa di siya kinukuwento ni mama ay di rin namin siya Nakita kahit man Lang sa litrato.

"Next week na apo. Excited na nga ako dahil makikita ko na rin ang kuya mo pati si Yumi. Ang batang yun, napakakulit." Sabay tawa ni lolo. Napangiti tuloy ako. Si Yumi kasi ay anak ni kuya, though hindi ko alam kong sino ang nanay since wala naman silang sinasabi. Maybe one of his flings, given that my brother is a playboy. Buti nga at medyo tumino na ngayon eh.

"Oo nga pala apo, pupunta dito yung anak ng kaibigan ko mamaya. Gusto ko sanang ipasyal mo siya sa atin. Ilang taon na rin nong huli niyang pasyal dito sa atin."

"Sige, Lo. Sabihan niyo na lang ako kapag nandito na siya."

Tumango ito. "Actually, nagpunta siya dito nong isang araw. Hindi na kita naipakilala since may lakad ka non. Maya maya lang ay nandito na si Mathius."

Namgunot Ang noo ko. M-mathius...? Si Matyas ba Ang tinutukoy ni Lolo na pupunta dito?

"Sige, Lo, akyat muna ako. Katukin niyo na lang ako pag nandito na siya." Ngumiti ako saka na ako naglakad paakyat sa kuwarto ko. I don't know but I feel so heavy inside. Parang wala akong gana na ewan. Maybe I need to unwind. One of this days siguro ay aayain ko so Lila.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon