Chapter 17

269 10 0
                                    

“Marco! Andito rin pala kayo? Kailan ka pa nakabalik?” Excited na tanong ni Marian kay Marco pero hindi siya pinansin ng huli dahil abala itong samaan ng tingin si Mathius na abala namang nakatitig sa akin.

Problems neto?

“Uhm, kahapon lang siya dumating actually.” Ani ko at siniko si Marco kaya nabaling ang atensyon nito sakin. Salubong pa rin ang kilay.

“What?” inginuso ko si Marian. Ngunit saglit niya lamang itong tinignan at ibinalik agad ang tingin sa akin.

“Let’s go?” aniya at hinila na ako paalis. Nilingon ko pa ang kinatatayuan nina Marian at hindi nakaligtas sa akin ang paglungkot ng mukha niya. Why? Dahil ba kay Marco? Is she still into Marco? But why is she with... Mathius?

Nang makasakay kami sa kotse niya ay narinig ko siyang napabuntong hininga. I know there’s something going on. And I’m curious as hell but I don’t want to be rude or something. I will just wait till Marco tells me so. Napanguso tuloy ako ng maalalang hindi pala kami nakapunta sa book Store. Di bale, maybe some other time. Alam ko namang Wala na siya sa mood ngayon.

“Why did you stop?” Tanong ko ng makitang ihininto niya ang kotse sa may gilid ng tulay. Hindi naman yun magcacause ng traffic since probinsya ito.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay iniyuko nito ang ulo sa manibela. I sighed. Mukhang may problema talaga ito.

“Anong problema, Marc?” I heard him sighed bago ako nilingon. He plastered a smile that I know contrary to what he really feels.

“Okay lang ako, babe. Medyo nasobrahan ata dun sa kinain natin haha.” I know he’s faking it. I know him too well.

“You know that I’m always here for you, Marc. I’m your best friend. So, please if you have a problem, tell me. I will listen.” Tumango lang ito at hindi na nagsalita hanggang sa maihatid niya ako.

Days had passed at hindi ko na muli nakita pa si Mathius. Not that I want to see him, I’m just wondering. Si Marc naman ay minsan dumadalaw siya dito sa mansyon kapag may oras siya, medyo nagkaproblema kasi sa kompanya nila kaya ilang araw ko na din siyang hindi nakikita. Miss ko na ang kumag na yun! Saka Yong libre ko mukhang nakalimutan na niya! Dagdag collection pa Naman sana.

“Let’s go, Apo?” Napalingon ako at nakita ko si lolo na nakabihis na. Ngayon kasi ang uwi nila Mommy kaya susunduin namin sila sa airport. Buti nga at natuloy na talaga silang umuwi this time. Dati Kasi lagi nalang nauunsyume dahil may emergency na nangyayari. I hope this time ay Wala na. though I hate to feel this strange feeling na may Hindi magandang nangyayari.

Haist! Ang gulo ko!

Tumayo ako. “Sige ‘Lo! Tara na po! Excited na akong Makita sila."

Magkahawak kamay kaming nagtungo sa sasakyan ni Lolo. Hindi ko alam kung bakit, but I have this feeling that something is really not right. Base sa itsura ni Lolo at sa napapansin ko ay may problema sina mommy kaya napaaga ang uwi nila. I always ask Lolo but he keeps on denying it, saying everything is fine when I actually know that it’s not. Hindi ko alam kung ano ang kinatatakot nila na malaman ko. I remember when I asked Lolo about my what Marian said before.

“Lo, I want to ask you something important.” Bungad ko ng madatnan ko si lolo na nagbabasa ng dyaryo. Hindi ako pinatulog ng napag-usapan namin ni Marian kahapon. I want to erase it, but my dumb mind keep on replaying it! Kaya gusto Kong malinawan at nagpasyang kausapin si Lolo about doon.

“About what, Hija?”

I sat on the chair adjacent to him and look at him seriously. Mukhang na sense ni lolo na seryoso ang gusto kong sabihin dahil ibinaba nito ang binabasang dyaryo at tumingin din sakin.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon