After Kong umalis at iwan si Matyas doon, I decided to confront my father instead of heading home like what I said. Ayoko man maniwala Kay Matyas, but there's still a possibility that he is telling the truth. And that's what I need to know.
“Yaya nasaan po si papa?” bungad ko ng pagbuksan niya ako ng pinto.
“Ay naku po ma’am, kaaalis niya lang po. Dumating po kasi ang mama niyo at sinundo si Yumi kaya hinatid saglit ni sir.” Tumango-tango naman ako at saka naupo sa sofa.
“Hintayin ko na lang siya, ‘ya.”
“Sige po ma’am at sasabihin ko na rin na nandito kayo sa mansyon.” Anito saka nagtungo sa may kusina kung saan nakalagay ang landline.
Hindi ko alam Kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap namin ni Papa. I just hope Matyas is really lying like what I want to believe dahil sa oras na malaman ko na totoo ang sinasabi niya, I don't know what will I do to my own father.
I sighed. Napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang tunog ng makina. Marahil ay nandito na si Papa. Di nga ako nagkamali dahil pagbukas ng pinto ay nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin.
He smiled widely while walking to me saka niya ako niyakap ng makalapit siya sa akin. “What brings you here, hija? May nakalimutan ka ba?”
I made my face void of any emotion. “Tell me, ‘pa. Ikaw ba ang dahilan kaya bumagsak ang kumpanya nila Mathius 5 years ago?”
He paled ng marinig ang tanong ko at hindi agad siya nakapagsalita. Bahagya pa itong napahawak sa katabing kabinet at sunod-sunod na napalunok.
“I’m asking you, ‘pa. Did you really do it?” matigas na ulit ko kaya mas napalunok ito.
“Let me explain, princess—”
I cut him. “Just YES or NO Papa! Mahirap po bang sagutin yon?!” I hissed. Alam kong mali na pagtaasan sila ng boses but he is provoking me. Sa inaasta niya ay lalo ko lang napapatunayan na tama nga ang sinabi ni Matyas.
He sighed defeatedly. “Yes. Its true. Ako ang nagpabagsak sa kumpanya nila limang taon na ang nakakalipas.”
Napailing ako at disappointed siyang tinignan. "But why, ‘pa?! Bakit kailangang gawin mo yon?!” sigaw ko ng mariin at unti-unti ng tumutulo ang luha sa mga mata ko. He attempted to touch me pero lumayo ako.
I saw pain flicker in her eyes dahil sa ginawa ko. “I’m—I’m sorry.. I didn’t mean to do it.. pero yun lang ang paraan para mapalapit ako sa inyo.”
“You didn’t mean to do it? Pa naman! May inosenteng tao ang nadamay dahil sa ginawa mo! Please… please make me understand why kasi…mababaliw na ako kakaisip kong bakit mo nagawa yun.. bakit kailangan mong pakialaman ang buhay ko ganong hindi ka naman talaga naging parte nito… you left us before.. hindi pa ba sapat yun para bumawi ka sa amin? Why do you have to do the opposite? Bakit instead na bumawi ka ay naging dahilan ka pa para masaktan ako? Why, ‘pa?!” I said breathelessly.
Kitang-kita ko kung papaano nanghina si papa at napaupo sa sofa habang sapo sapo ang mukha nito. “I’m so sorry.. duwag si papa.. I’m sorry kasi takot ako. Takot na takot ako. Hindi ko kakayanin na ilayo kayo sa akin.. ayoko na. Sawang-sawa na kong makita lang kayo sa malayuan.. I know I’ve been a coward for staying in the dark but I love you.. mahal ko kayo.. mahal na mahal ko kayo..” humahagulgol na sabi nito.
“Bakit nga, ‘pa…? Pwede mo naman kaming lapitan.. you can just show in front of us and tell us your our father… bakit kailangan pang gawin mo yun?” I asked disappointedly. Hindi ko pa rin magets kung bakit kailangan niyang pabagsakin ng kumpanya ni Mathius para lang lumayo ito sa akin. Ano ba ang ayaw niya Kay Matyas?
BINABASA MO ANG
Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)
RomanceAgatha Serene hate Kiel Mathius since they were a child. They keep on pissing each other and call themselves as 'frenemy'. Things got change when they grew up. Instead of pissing each other, they fell in love together. Its almost a happily ever afte...