Epilogue

409 12 3
                                    

Bata pa lang ako, isang babae lang ang tanging nakakuha ng atensiyon ko. Hindi lang dahil sa mala-anghel niyang mukha kundi dahil sa tingin niyang parang laging nang-aakusa. Tandang-tanda ko pa nong bagong lipat pa lang kami sa lugar nila.

"Anak, halika at samahan mo ako doon sa kapit-bahay natin dahil inimbitahan nila tayong makipaghapunan sa kanila."

Tumango ako kay mama at sabay kaming nagtungo sa bahay ng kapit-bahay namin. Sa itsura ng bahay nila ay mahahalata mo na na may sinasabi sila ssa lipunan. Nakangiting sinalubong kami ng isang magandang babae na mukhang kaidaran lang ni mama.

"Im glad you came. Akala ko iindyanin nyo ako eh!" natatawang anito at ikinawit ang braso kay mama saka ibinaling ang paningin sa akin."

"Ito na ba ung sinasabi mong anak mo? napakagwapo!" imbes na pagtuunan sila ng pansin ay napadako ang paningin ko sa isang batang babae na tahimik na gumuguhit habang nakaupo sa sahig. She looks so unaware of her surroundings at parang ang tanging pagguhit lang ang mundo niya.

"Whats her name po?" tanong ko ng hindi inaalis ang paningin sa babae.

"Oh! thats my daughter, Serene!"

from there, lagi na akong nagpupunta sa bahay nila dahil close na rin kami ng mama niya. Madalas ko siyang asarin dahil madalas rin ay nakafocus lang siya sa pagbabasa o pagguhit. Parang wala siya laging pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

Naalala ko yong araw na nagalit siya sa akin dahil sa napahiya ko siy sa klase, though its not my intention to shame her in front of our class. I just want to get her attention.

Nakatitig ako sa kanya habang busy siya sa pagbabasa, sinubukin kong kunin ang atensyon niya sa paglalaro sa buhok niya pero wala pa ring epekto. Patuloy pa rin siya saa pagbabasa na parang iyon na ang pinkamagandang gawin. I tried to get closer to her hanggang sa ilang dangkal na lang ang pagitan namin pero hind pa rin niya ako napapansin.

Is she really this oblivious of her surroundings?

Sa inis ko ay tumayo ako at sinabihan siyang umutot na ikinagalit niya sa akin. pero at least nakuha ko ang atensiyon niya di ba??

"Hoy Rentot! hintayin mo ako!" sigaw ko at nagmamadaling tumakbo para maabutan siya pero tuloy-tuloy lang siyang naglakad habang hindi ako pinapansin. Mukhang nagalit ko yata talaga siya ng todo ah?

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon