"Oh anak, how are you? Sabi ng mama mo nahimatay ka daw noong nakaraang araw." Papa asked worriedly. Nandito kami ngayon sa garden ng bigla syang sumulpot. Medyo nagulat pa nga ko ng may biglang yumakap sa akin pero paglingon ko si papa lang pala.
"I'm okay, pa. by the way, bakit ngayon ka na lang ulit nagpunta dito? Are you busy?"
Natatawa siyang umiling. "Nagpapa-miss ako sa mama mo. Effective ba?"
Natatawang napailing na lang ako. Itong mga magulang ko, feeling bagets, akala mo naman mga teenager na nagkatampuhan. Di na lng magbati para happy-happy na.
Ngumisi ako, "Miss ka na nun, pa. laging nagtatanong kay Yumi kung dadalaw ka daw ba. Konting lambing lang lalambot din yun."
"Oo naman, anak. Sa gwapo kung 'to, di ako matitis ng mama mo. Bibigay din yun sa akin" mahanging sabi ito.
"Hoy! Anong sinasabi mo dyan?! Never akong bibigay sayo no." sabay irap ni mama. "At anong masamang hangin at nandito ka ulit? Tapos ka na bang makipaglandian sa secretary mo?"
"Sus, selos ka naman agad. Ikaw lang naman ang babae ko tsaka alam ko kasing miss mo na ako sweeti pie kaya ako nandito. Ayaw ko namang malungkot ka dahil hindi mo nanasisilayan ang kagwapuhan ko" pagkasabi nyan ni papa ay agad siyang nakatikim ng pingot kay mama.
"Ikaw na matanda ka! Ang landi-landi mo!" sigaw ni mama sabay hila kay papa papasok ng bahay. Napangiti naman ako. Alam ko naman kasing lambingan lang nila ang pag-aasaran. Kitang-kita naman kasi sa mata nila na mahal pa nila ang isa't-isa kahit ilang taon silang hindi nagkita.
I sighed. Ako kaya? Makakahanap kaya ako ng ganyang klaseng pagmamahal? Yong kahit di kayo magkasama ay mahal niyo pa rin ang isat-isa. Sana..
Medyo mataas na ang sikat nga araw ng mapagpasyahan kong pumasok na para mag-ayos. I want to visit our company today dahil ilang linggo din akong hindi nakapasok. Si Yumi naman ay wala dito dahil nagpaalam kanina na pupunta sa kabilang bahay para makipaglaro.
Naupo ako sa kama ko at napatingin sa cellphone kong nasa bedside table ng tumunog ito. Pagtingin ko sa caller ay pangalan ni Mathius ang lumabas doon. Napabuntong-hininga ako bago sinagot iyon.
"Hi, hon! Napatawag ka?" bungad ko sa kabilang linya.
"I'm sorry hon. Hindi ako maakapunta ngayon dyan sa inyo. I will try to finish my work here so we can have our dinner together later. Is that okay with you?" nananantyang sagot niya. Okay na rin yun dahil ayoko pang makita ang pagmumukha niya. The less time with him, the better. Kung pwede nga lang ay hindi ko na makita pa ang pagmumukha niya, mas masaya san. But no, I'm not yet done with my revenge.
"its okay,hon. Saka bibisita kasi ako sa office ngayon para tignan ang mga naiwan kong trabaho. A dinner with you will do. Puntahan na lang kita sa office mo mamayang six."
"Okay, hon. Just messge me kapag nandito ka na. anyway, I should go, may board metting kaami a minute from now. Bye. I love you." Paalam niya pero nanatili lang akong tahimik.
"Are you still there, hon?" untag niya sa kabilang linya.
"i-I yeah, I mean I'm here. Sige na baka ma late ka sa meeting niyo." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at basta na lang pintay ang tawag.
I sighed.
I really need to control my feelings. Hindi puwedeng mahulog ako ulit sa gagong nanakit sa akin. I'm done. Hindi na pwedeng maulit ulit ang katangahan ko sa kanya. kailagan ko ng burahin ang kung ano man itong nararamdaman ko sa kanya. Hindi ako puwedeng magpadala sa mga salita niya. Not now. Not ever. Ayoko ng isugal pa ulit ang puso ko gayong hindi pa ito tuluyang humihilom mula sa sugat na idinulot niya.
BINABASA MO ANG
Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)
RomanceAgatha Serene hate Kiel Mathius since they were a child. They keep on pissing each other and call themselves as 'frenemy'. Things got change when they grew up. Instead of pissing each other, they fell in love together. Its almost a happily ever afte...