Chapter 23

289 8 2
                                    

Kanina pa ako gising ngunit nakatingin lamang ako sa kisame. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino nga ba yong tumawag sa akin kagabi. First, I thought it was a drunk call na namali lang but, he said my name. I clearly heard my name. Imposible namang coincidence lang yun. But who the hell is that caller? I sighed. Malabo namang isa sa mga ex-boyfriend ko eh no boyfriend since birth ako. Basta, Kung sino man yun siguradong makikilala ko rin siya kung ako talaga yong tinutukoy niya. Maybe one of this days...

Bumaba na ako ng kuwarto at dumiretso sa dining area dahil siguradong nandun na sila Yumi sa baba. Malayo pa man ay dinig ko na ang halakhak ni Yumi. Napakabungisngis talaga niya!

"Hi baby! Mukhang ang saya mo ah?" tanong ko pagkalapit ko sa kanya. Ngumiti naman siya sakin at hinalikan niya ako sa pisngi habang Hindi pa Rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Good morning, Tita!"

Naupo ako sa tabi niya samantalang si mama naman ay kinukuha sa kusina ang mga niluto niya. Actually minsan lang siya magluto kung wala siyang pasok sa opisina. Siguro nagleave siya ngayon.

"So, baby, why are you happy?"

"Kasi po Tita malapit na po magstart ang pasukan. Mag-eeschool na po ako sabi ni Daddy!" sabay palakpak pa nito. Bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan.

"Wow! I'm so happy for you baby!? Kailan mo pla nakausap ang daddy mo?"

"Kanina lang po, Tita. Sabi po pala niya check niyo daw po ung email niyo." Napasapo naman ako sa noo ko. Oo nga pala, nakalimutan kong icheck yong email ni kuya about dun sa kliyente na dapat kong imeet.

Tumayo ako at nginitian siya. "Dyan ka lang muna, baby. Check ko lang saglit." Paalam ko saka naglakad palabas ng dining, sakto namang papasok si mama dala ang mga pagkain.

"Oh, saan ka pupunta? Kakain na." litong tanong niya.

"Check ko lang saglit yong email ko, 'ma. Importante kasi yun, tungkol dun sa isa nating kliyente."

Tumango siya. "Sige. Sumunod ka na lang pagkatapos mo. Alam mo namang ayoko kayong nagpapalipas ng gutom."

Tumango ako at naglakad na paakyat sa aking kuwarto. Pagbukas ko ng email ay gulat ako ng makitang ngayong araw pala ang meeting namin ni Mr. Salvador. Buti na Lang at nabanggit no Yumi. Kaya naman ay agad na akong naligo at nag-ayos dahil 8:30 na at 9:00 am ang meeting namin. Pagbaba ko ay agad akong nagtungo sa kusina para magpaalam na.

"Ma, Baby, alis na ako. Ngayon pala yong meeting namin nong kliyente natin."paalam ko.

"Hindi ka ba kakain muna?"

Umiling ako. "Hindi na 'ma. Baka doon na Lang ako kumain."

Tumango ito. "Sige, anak. Ingat ka."

Ngumiti ako at tumalikod na. Ilang minuto lang ang tinagal ko sa biyahe. Pagdating ko sa meeting place namin ay napahinga ako ng maluwag ng wala pa si Mr. Salvador. Akala ko malilate na ako.

"Ma'am, gusto niyo na po bang mag-order?" tanong ng waiter sabay abot sakin ng menu. Sinabi ko na din ang order ko kasama na ang kay Mr. Salvador.

Habang naghihintay ng pagdating kay Mr. Salvador ay kinuha ko na muna ang cellphone ko at nagtingin ng mga emails ko. Bukod sa email no Kuya ay Wala Naman ng mukhang importante.

"Ms. Salcedo?" napaangat ako ng tingin sa tumawag sa akin at ganun na lang ang gulat ko ng makita ang lalaki. Maging siya ay nagulat din ng makita ako. What a small world!

"Hi! Luke Salvador? I'm Agatha Serene Salcedo. You can call me Serene." Nakangiting pakilala ko. Biruin mo nga naman, siya pala ang ka meeting ko ngayon. Yong lalaking tumulong kay Yumi sa park ng madapa siya.

Childhood Series 1: Hate to Remember You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon