Harrice
Pagkababa pa lang namin ng aircraft, lahat kami halos mapatulala nang kumpiskahin yung mga gadgets namin at iba pang gamit namin. Kahit nga yung mga naitabi kong pagkain sa bag ay nahalungkat at tila naglaho nang parang bula.
Ang nakakatatwa pa ay hindi kami sa mismong isla na pagi-stay-an namin binaba. Sa mismong maliit na isla na katabi lang niyon kung saan nakabase lahat ng mga facilitators ng game, which are composed by our parents. Mukhang dito nila naisip lahat magsitambayan. Kumpleto kasi silang lahat.
I felt a sudden jolt of happiness seeing how happy Mama is while staring at her friends. Yung mga kamay nito na hindi na yata natanggal sa pagkapulupot sa bewang ni Tita Railey. Yung paglalambitin sa leeg nito ni Tita Van na panay pa ang halik kay Mama saying how much she miss being reunited with the two. What are they called again? Ahh, Trio of the Century. Yung bansag sa kanila kahit noong mga bata pa sila. Now seeing the three of them that close is making me happy too.
Mom is talking with Tita Grant, Tita Sam, and Tita Al. I think they are planning about something. I even heard Tita Al contesting na dapat pati emergency watches ng mga Silvas should be confiscated. They could have had it modified knowing that it won't be surrendered in the game, which, would probably give them the advantage.
Noong una, ayaw pumayag ni Tita Grant. Pero dahil nasaling yung pride nito na may posibilidad daw na mandaya yung mga anak nito, sya na tuloy mismo yung kumuha ng mga relo ng mga ito.
The rest of other's parents are preparing our survival kits bag. Lahat kami may bag na sari-sarili which includes basic medicine kit, santizing kit, and survival food gaya ng energy bar, chocolate bars, and some biscuits. Pero dahil konti lang iyon, sigurado na pang emergency lang iyon.
Ibig sabihin, our food would be scarce. Our parents wouldn't prepare that emergency kits if this game would be easy. Bahagya tuloy akong kinakabahan. Hindi ako pwedeng mawalan ng pagkain.
Pasimpleng pinadaanan ko ng tingin yung ibang mga kasabayan namin. Carrie is surely doing the same, scrutinizing and scanning who would be our tough opponent. Well, obviously, the other Silvas for sure. Kahit tatahi-tahimik si Essex na masama ang tingin sa lahat, sigurado ako na nagpaplano na ito ng gagawin nito. Si Eris naman na kahit nakapikit at mukhang natutulog sa gilid, sigurado ako na tapos na ito magmasid sa buong grupo. While Ember, I am not so sure. Buong atensyon kasi nito nasa asawa lang nito.
OMG! Cray Parker.
Nakita ko na sya once pero ang awkward kasi magpapicture sa kanya noon. Napakasungit kasi at laging kay Ate Ember lang nakatingin.
I remember her way back when I was in highschool. She looks so hot wearing her tennis outfit and holding her tennis racket. Madalas nga na pumupunta pa ako sa gym nila para lang makinood ng college sports fest nila.
When I found out na kilala ito ni Ate Ember, I want to ask her for an autograph. Kaso naisip ko na nakakahiya iyon kung gagamit pa ako ng koneksyon. So I took all the courage to walked towards Cray by myself, and asked for a picture. But she said right away that she's not up for it and excuses herself right after. Since then, di ko na ito nilapitan. Okay na yung fan na lang ako sa malayo. Although nanonood pa din ako ng game nito palagi.
"Uy, matunaw na nyan si Cray." Pabirong sabi ni Ate Rainey na sinundot pa yung tagiliran ko. "Crush mo si Cray?"
Walang hiya na tumango ako. Totoo naman na crush ko talaga iyon.
Namimilog yung mata na napaawang pa yung bibig sa pagkagulat si Ate Rainey nang marinig iyon. Hindi makapaniwalang inginuso pa nito yung direksyon nila Cray at Ember. Napasimangot ako nang makita na nandoon din si Lift girl sa tabi ng mga ito. Epal makalambitin pa sa leeg ni Cray.

BINABASA MO ANG
Forelsket
Literatura Feminina"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."