Chapter 39

14.8K 771 333
                                        

Harrice

I glance at my clock, halos mag-aala una na pero hindi pa lumalabas si Elle mula sa conference room at bumabalik dito sa opisina nya.

Ipinatawag kasi ito ng board of directors kanina ng makarating kami. Mukhang may pag-uusapan na tungkol sa negosyo.

Nakasalubong pa nga namin sina Cray at Ember na parehong seryoso at mukha pa ngang nagtatalo. Halatang nagulat nga ang mga ito ng makita ako. Hindi makapaniwala siguro na bumalik na ako ng bansa. Kung si Ate Ember ay binati ako, yung ate naman ni Elle ay tila hangin lang ako na nilagpasan.

Well, I can't blame her. Malamang nakita nito kung paano nasaktan si Elle dahil sa ginawa ko noon. Buti nga at hindi ako sinapak.

Even Elle's parents and the other Calvry's are present. Hindi na din ako nagtaka ng dumating din si Tita Grant kahit pa late na ito. Mukhang sobrang laki ng problema nila para magpatawag ng ganoong klase ng meeting.

Kaya heto, ako lang ang naiwan mag-isa dito. Ang boring pa ng loob ng opisina ni Elle. Masyadong minimalist. Yung typical na opisina lang na kabagot bagot tambayan.
Dapat yata lagyan ko ng pictures naming dalawa itong table nya para naman maganda lagi yung mood nito pag nandito sa office.

Napahawak ako sa tyan ko nang maramdaman ko na naman yung pagtunog at pagkulo ng niyon.

Crappy cakes! Hindi kaya sila magla-lunch? Gutom na gutom na ako.

Naubos ko na nga yung mga nakalagay na chocolates sa jar na nakadisplay dito sa table ni Elle dahil sa sobrang gutom ko. Galing kaya kay Tris yon? Tama lang na inubos ko. Mamaya may gayuma pa iyon.

Tumunog na naman yung tyan ko ng maalala ko yung lasa ng tsokolate na iyon. Nakabalot lang kasi iyon ng makulay na foil wrap at walang brand. Sobrang sarap pa naman. Gusto ko ulit non. I mentally note to ask Elle for the brand of that chocolates.

Nanghihinang napasubsob na lang ako sa mesa. Lalo akong nagutom.

Bumili na kaya ako ng food? Magpadeliver na lang ako? O kaya naman ay bumaba ako, magcheck sa mga nearby restaurants sa labas at magtake out. Para pagbalik ni Elle ay makakain na kami?

Urgh! But Elle might misunderstand me again pag bigla na naman akong umalis ng hindi nagpapaalam.

Saka ayaw din nito ng hindi na mainit na pagkain. Tiyak na hindi na nito iyon kakainin. Elle might not seem like it but she's too picky with her food. Maybe because of her allergies and all. Kaya nga siguro ganito kapayat na ito ngayon.

Elle became a little too skinny for my liking. Para na syang model sa mga international magazines. Siguro nakikipagsabayan ito kay Tris kaya naging ganoon na din yung figure nito. Dati naman ay sexy na ito sa paningin ko. Saka masarap yakapin. She's warm and too soft. Ngayon, nakakatakot na. Mukha na syang mamahaling barbie na magkakalas kalas anumang oras pag niyakap ng mahigpit.

Still, she's so pretty. Stunning. Gorgeous. Enthralling. But she now looks a lot different than I remember. The sparkle in her eyes is no longer the same. She is no longer smiling a lot. If not a sly grin nor an insulting smirk, she's more of a passive face most of the times.

Tila normal na din dito yung madalas na pagtaas ng kilay, nang-iinsultong tingin na para bang inuuri ka na kahit di ka pa nagsasalita. Kung noon, nakakatakot na ito. Ngayon ay dumoble o trumiple pa iyon.

Kapansin pansin nga yung ilag na pag-iwas ng mga empleyado nito kanina nung dadaan kami. Hindi ko alam kung normal ba yung halos pagkakandarapa ng mga tao na umalis sa harapan nito o yung pagkahawi ng kumpulan kanina ng masulyapan na paparating na ito.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon