Harrice
"Ayan. Okay na."
Ngumiti ako kay Tita Sammie nang matapos ito na gamutin lahat ng nakuha kong welts dahil sa mga short-ranged shots galing kay Eris kanina.
"Thank you po." Pasimple kong tiningnan yung repleksyon ko sa salamin sa loob ng built-in tent na ginawa nilang infirmary.
Tumango lang si Tita Sam bago sumulyap sa relo nito. "I hope Grant's already working her ass to find the other kids."
"Po?" napakunot naman yung noo ko. Sino yung hindi pa nakakabalik?
"Tris and Eris are still in the jungle. Patapos na yung oras ng game. They should be here any moment."
Sa narinig ay tuluyan akong napabalikwas at napatayo. Kanina pa kasi ako nakabalik ng camp base. Halos magdadalawang oras na siguro o marahil ay lagpas pa nga. Ako kasi yung pinakanahuling gamutin kanina dahil ipinilit ko na unahin na yung iba. Lalo na at mas maraming tama pa nga yung nakuha ni Carrie at Ate Ember kumpara sakin.
"Wala po bang sumunod sa kanila para hanapin sila?"
Sandaling natigilan si Tita Sammie sa sinabi ko bago marahang umiling at bahagyang napangiti.
"You really remind me of your mother." Tinapik tapik nito yung ulo ko. "No, Harrice. They'll be fine. I trust my daughter that she'll not intentionally cause anyone harm."
Tumatangong napalabi pa ako sa tinuran nito.
"Totoo po. Mukhang mabait naman si Tris kahit pa bastos minsan kausap. Pero marunong naman sya makisama at maaasahan naman. Saka hindi naman iyon gagawa ng hindi maganda kung hindi naman hinihingi ng pagkakataon."
"Oh, you're not mad at her for putting Eris in danger before?"
Sunod-sunod ang ginawa kong pag-iling. Si Carrie lang naman ang nagalit sa nangyaring iyon. Pero kahit ako ay naiintindihan naman kung bakit nagawa ni Tris na isakripisyo noon si Eris para masiguro na walang mangyayari kay Lee noon.
Sabi nga ni Eris nung tinanong ko sya, Tris just had to weigh what she values more. Nagkataon lang na hindi sya yung pinili nito nung araw na iyon. But good thing that Eris was trained to protect herself. Saka buti na din na may tracker din ito kaya mabilis na nakahingi ito ng tulong sa mga tauhan ng Mommy nito.
"Eris was the one who asked for her help kaya sila nandon sa lugar na 'yon. So technically, Tris was just helping her and got no choice when things turned out that way. There's no one to blame." sinserong sagot ko.
Ngumiti lang ulit si Tita Sammie. Ako naman ay mas pinili na lumabas na para hanapin kung nasaan na yung mga ka-team ko.
Kumusta kaya si Elle? Nakuha kaya nito yung flag namin? Mananalo kaya kami sa game? Kahit siguro pangalawang pwesto, hindi na ko magrereklamo.
Basta makakuha lang kami ng pagkain, masaya na ko.
"Ate Harrice!"
Napalingon ako sa tili ni Dree na sinalubong pa ako. Pero imbes na mabaling dito yung atensyon ko ay sa mukha nung katabi nito ako napatingin ng husto.
Elle's staring at me intently. Yung titig na nakakailang.
Tinaasan ko lang ito ng kilay. Ito naman ay napapangiting napaiwas ng tingin pero hindi pa din maiwasan na bumalik sakin yung tingin.
I mouthed, What. She answered me with a slight shaking of her head.
"Ate Harrice, tingnan mo yung secured ranking natin! Baka manalo pa tayo!" Excited na hinatak ako sa kamay ni Dree papunta doon sa area ng facilitator ng game.

BINABASA MO ANG
Forelsket
ChickLit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."