Harrice
"Sulking in the corner isn't your cup of tea."
"Yours, not mine." I countered back, nodding my head.
"I'm not sulking in the corner. I'm sleeping. That's two different things." rason ni Eris matapos akong abutan ng baso ng juice.
"Thanks." Nginitian ko ito. "Your nocturnal tendencies are quite something. Sure ka na wala ka pang CRSD?"
"I just want to sleep in broad daylight because I'm afraid zombies will attack at night when I'm sleeping soundly. It's not a disorder, thanks for mentioning, but No." Uminom ito sa juice na hawak nito bago sunod sunod na umiling. "I'm perfectly fine and my psych can vouch on that."
"Zombies aren't real." I muttered out of appropriate words to describe her sleeping patterns.
Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko. Pareho kaming nandito sa gilid habang nagkakaingayan at nagkakasiyahan yung mga tao doon sa main hall.
Matapos magpalit palit ng grupo, nagkaroon na din ng arrangements. Yung food namin ay hindi na apektado sa ranking ng game. Nagkaroon daw ng deliberation yung mga magulang namin at nagkasundo-sundo sila na alisin na yung food distribution. Lalo pa at doon madalas magtalo talo yung mga kasali.
Kaya hayan, ang dami ngayong nakahain na pagkain. Hindi ko lang sigurado kung pati mga alak ay kasali doon.
Magugulo na kasi sa table ng mga lalaki sa grupo ni Eris. Pinagtritripan yata ni Leo at Priam si Essex. In a good way I think. Because after so many years, I saw Essex laughing and smiling freely again.
"X is having fun, no?" komento ko habang sumisimsim sa inabot na grape juice ni Eris. Alam nito na paborito ko iyon.
Maging si Eris ay napatingin sa direksyon ng bunsong kapatid nito at napangiti. "He surely is. Priam and Leo weren't affected by his brusque attitude. It makes Essex feel safe to be him without sending people around him off."
Nakakatuwa din makita yung idinudulot ng summer camp sa iba. It's making them to be at ease with other people.
"Sa susunod hindi na pikon yan. Baka nakikisali na satin pag inasar natin." Pabirong sabi ko na ikinatawa ni Eris.
Palagi kasi namin pinagtutulungan si Essex dahil napakamainitin ng ulo nito. Para naman matuto ito na hindi lahat nadadaan sa init ng ulo at pagwawala.
Sa amin kasing lahat, kami ni Eris yung magkasundo talaga. Lalo pa at pareho kaming may kapatid na may anger management issues. Bukod pa sa kami ang halos magkaedad. I'm seventeen while Eris is sixteen. Pareho pa kaming babae.
"Madaming food doon. Aren't you going to taste all of it?" untag nito.
Umiling lang ako. Weird nga na hindi ako nakakaramdam ng gutom gayung kaninang meryenda pa yung huling kain ko. Yung binigay pang pagkain ni Elle.
On my normal basis, mga isa o dalawang oras lang ay nakakaramdam na ako agad ng gutom. Masyado siguro talagang mabilis yung metabolism ko o siguro acid talaga yung dugo ko kaya awtomatikong natutunaw yung pagkain pagkasubo ko pa lang.
Wala naman akong alaga sa tyan dahil regular naman na pinapacheck-up kami ni Mommy just to make sure Carrie and I are fit and healthy. Sigurado ako sa bagay na yon.
"May gayuma yata yung pinakain sayo ni Elle."
Sunod-sunod akong napaubo nang marinig yung sinabi ni Eris. Ito naman ay nagtatakang nilingon ako. Kinuha ko yung table napkin para mapunasan yung gilid ng bibig ko na natapunan na yata ng iniinom kong grape juice.

BINABASA MO ANG
Forelsket
ChickLit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."