Chapter 41

13.3K 743 402
                                    

Harrice

Saktong katatapos ko lang makipag-usap kay Eris nang sunod-sunod na tumunog yung doorbell.

Sweet sugar! Delivery na naman ba yan ng pagkain?

Iwas na iwas pa naman na akong kumain lang ng kumain dahil kailangan ko ng imaintain yung katawan ko. Pero si Elle naman ay balak yata na patabain ako ng husto dahil maya't maya yung pagbibigay nito ng pagkain.

Ganoon ba talaga ako katakaw at kapatay-gutom noon?

Yikes!

Hanggang ngayon ay napapaisip pa din nga ako kung anong magandang nagawa ko noon para magustuhan ako nito.

Ang takaw ko. Ang sama pa ng ugali ko dito. Madalas pa kami magbangayan at magpasaringan. Masyado itong mapride at ako naman ay hindi din nagpapatalo. So I can't really understand when and how we started to care for each other.

But still, I am so grateful that Elle is giving me a chance to win her back.

Siguro naman sapat na yung dalawang linggo para makapili na ito samin ni Tris. Kaya sinabihan ko na din si Eris na pwede na nitong pakawalan si Tris at pauuwiin dito sa Pilipinas.

If Elle will still choose Tris after all we've been through, I got no other reason to stay. Even if I am so in love with her, I still want her to be happy. And if being with Tris is what will make her happy, I'll gladly accept that.

Maybe I am just like that. A half-blooded Silva. Tapos yung soft side pa ng Silva dahil genes ni Mommy. Or maybe, hindi lang kasi kami lumaki ni Carrie na spoil at palaging nakukuha yung gusto kahit gaano pa namin iyon kagustong gusto.

We were oriented that if we want something, we have to work hard to have it. And if we want someone, we have to make that someone to like us back. Force is only applicable to ourselves but not to other people.

Carrie did the same. She waited until Ate Rainey reciprocated her feelings. Hindi nya pinilit na gustuhin sya.

Nung malaman ni Mama yung mga ginagawa naming pagtatago kay Tris ay nagalit ito. Maling-mali daw iyon. Pero sa kabilang banda ay naunawaan din nito kung bakit ko iyon kailangan gawin. Kaya kinausap nito si Tita Sammie at sinabi doon na pansamantala lang munang itatago ni Eris si Tris. Wala naman daw pagtutol don si Tita Sam.

I heard another buzz of the doorbell. Napakunot yung noo ko, hindi ba delivery ng pagkain iyon? May note naman ako sa pinto na iwanan na lang sa pintuan.

This time the buzzing continues. The person outside is obviously getting impatient at my slow response in opening the door.

Tatamad tamad na tinungo ko iyong pintuan. Baka importante.

Pagkabukas ko niyon ay tumambad sakin yung naiinis na mukha ni Elle. Hawak hawak na nito yung mga paperbags na marahil ay iniwan kanina sa harap ng pintuan ng mga delivery personnel.

"Bakit ang tagal mo magbukas ng pinto?" Iritableng asik nito. "May kasama ka no?"

Niluwagan ko lang yung pinto para makapasok ito ng tuluyan. Kinuha ko na din yung mga bitbit nito bago pa nito maibato sakin iyon. Mamaya kagaya pala ito ni Mama na nambabato. Mahirap na. Sayang yung pagkain.

"Come inside and see for yourself if may kasama ba ako dito." Ngumiti pa ako para mabawasan naman yung pagkainis nito.

Nagdududang tumalim lang yung tingin ni Elle pero dumiretso naman sa sala. Pabagsak na ibinato nito sa couch yung bag nito.

"Let me get that. Ihahain ko na para makakain ka na habang mainit pa yan."

Akmang kukuhain nito yung mga paperbags pero mabilis ko na iyong naiiiwas.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon