Elle
I was holding my breath when Harrice stops from moving. She motioned her hand in mid air for us to stop too.
Pagod na pagod na kami ni Tris. Bukod sa mainit yung suot namin dahil balot na balot kami, yung bilis pa ng kilos, lakad, at takbo ni Harrice, nakakapagod sabayan.
Sure, we are into intense work out too. Pero yung utak ko yata hindi ready sa ganito. Dapat kasi alisto kami kung ayaw namin na kami yung unang maagawan ng flag.
Napagkasunduan kasi naming tatlo na kami yung susugod sa kanang bahagi ng pinagbabaan samin kanina ng mga staffs ng isla.
Sabi ni Harrice, sigurado daw na susugod din yung Green team doon dahil ayun yung tingin nyang pinakamalapit na daan para makuha yung higher ground base. Paunahan na lang kung sinong unang matutumba.
Kaya heto, pagod na pagod hindi lang yung katawan ko, pati utak ko. Mahirap na.
Nanghihinang napasandal ako sa likod ng malaking bato sa gilid ko. Siguro naman safe dito? Pwede na ba magwater break muna?
Kaya lang wala naman kaming dalang tubig. Saka kabilin bilin ni Harrice na bawal na naming tanggalin ulit yung mga mask namin.
There are no rules. No effin' rules.
Pag natamaan kami habang naglalaro at tumama iyon sa mukha, worst sa mata namin habang nakatanggal yung mask, it will surely send us straight to the hospital. And no one will be held liable for it.
"You're within my shooting range, Harrice. Surrender your flag or I'll shoot?"
Napasiksik ako sa gilid ng bato na tinataguan ko nang umalingawngaw sa loob ng gubat yung boses ni Ember.
Awtomatikong gumala yung paningin ko sa kinaroroonan namin para hanapin kung saan ito nakatago.
Bloody hell! Why can't I see their hiding spots? How can they see us freely?
Lumingon sa direksyon ko si Harrice. Sinenyasan ako na dumapa at gumapang palapit dito.
"Tris, don't be too open." Sigaw ni Harrice kay Tris na napatayo dahil may tumama sa gilid nito. Yellow paint.
"Shit! That was an almost hit, Ate Ember!" natarantang hindi malaman ni Tris kung saan magtatago.
"Surrender now?" Sigaw pa ulit ni Ember. "Carrie got a good position. Don't make her shoot." banta pa nito.
Hindi pa kami nakakasagot nang biglang tumili ulit si Tris bago napaluhod. Nakasukbit pa din sa katawan nito yung baril nito pero yung mga kamay nito ay nakahawak na sa kanang hita na tinamaan ng tirang iyon.
She's writhing in the sudden pain.
"Cheat." iritableng hiyaw ni Harrice. "Golden rule in all games should be followed!"
"There are no rules, Harrie. Surrender now."
Nang hindi sumagot si Harrice ay sunod sunod na pinaulan na naman ng paintball si Tris.
"Keep moving Tris." Utos ni Harrice na gumaganti din ng baril. "Elle, take cover."
"I cant see them!" angal ko.
"One thirty, north west."
Kahit itinuro na ni Harrice yung posisyon ay wala akong makita.
"Just fire your gun!"
Kahit walang nakikita ay sunod sunod lang yung ginawa kong pagbaril sa direksyon na itinuro ni Harrice bago pa ito sumigaw na naman. Si Tris naman ay tila nakabawi na habang gumagapang palapit sa kinatataguan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/284520033-288-k122509.jpg)
BINABASA MO ANG
Forelsket
Romanzi rosa / ChickLit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."