Chapter 26

10K 688 345
                                        

Harrice

"Mamaaaaaaa!" malakas na napatili ako habang umiiwas sa nagliliparang plato.

Gusto kong lumubog sa kahihiyan habang inaawat ni Mommy si Mama. Tapos si Carrie naman ay panay pa sa pag-abot ng plato kay Mama at sinusulsulan ito na dapat lang na mabato ako.

Paano ba naman nahuli kami ng mga ito ni Elle na naghahalikan doon sa gitna ng pathway papunta dito sa main hall. Galit na galit na hinatak ako ng mga ito palayo kay Elle. Samantalang si Elle naman ay hinatak din ng Momma nito.

Bakit ba nawala sa isip ko na posible din na nandito na sa isla yung mga magulang namin? E ilang araw na lang patapos na yung summer camp. Expected talaga na aattend ang mga ito ng bonfire at night party ngayon.

Yan kasi. Una kaharutan. Ilag well na lang ngayon.

But it is not my fault that I fell for Elle. She tripped me. She should be the one dodging these flying plates. Hindi ako.

Hinanap ng mata ko si Elle. Nandoon ito sa di kalayuan habang tila nakikipagtalo din sa mga magulang nito. But unlike me, her parents are letting her to talk and explain her side while I am being reprimanded first before my parents will allow me to talk.

Napakadaya!

"Harriete, tama na. Kawawa naman si Harrie." Pilit na hinaharang ni Mommy yung katawan nito para hindi ako mabato ni Mama.

"Kawawa?!" Mama's voice roared the whole hall. "Talagang kawawa yan sa babaeng yon, Ice! Pinaghalong ugali ni Alliston at Ate Lou yon! Tapos doon pa sya magkakagusto!? Hindi mo alam kung gaano katuso yung pamilyang yon!"

"Exactly. That's why we have to talk to her about it. Baka naguguluhan lang si Harrice. She's young. Sila lang ang nandito. Iyon lang yung madalas yang nakakasama dahil magkagrupo sila. We don't even know if it's serious or not." pasimpleng sinenyasan ako ni Mommy na lumayo at magtago muna.

Bago pa ako makatakbo ay humarang naman sakin si Carrie. Halatang hindi ako palalampasin. Sa dilim ng mukha at talim ng tingin nito na akala mo tinraydor ko, natatakot na napaatras na lang ako.

Bakit ba? Wala naman akong ginagawang masama. Masama na ba ang magkagusto ngayon?

Gusto, okay lang. Pero yung magpahalik Harrice, at your age? Think again.

Crappy cakes! Bakit sakin lang? Sigurado naman ako na may nangyari na nga kina Ate Rainey at Cariette. Bakit hindi naman ganyan sila magreact noon. Tapos sakin akala mo naman napakalaking krimen ng nagawa ko. Parang kiss pa lang naman.

Nagpahuli ka kasi! That's the difference. No evidence, no crime. But since you were caught red-handed, expect the worst.

"Naghahalikan na hindi pa seryoso!?" lalong nanlisik yung mata ni Mama. Nangangalaiti sa galit.

"Tayo nga may nangyari na at lahat, wala lang naman sayo." bubulong bulong pa na sabi ni Mommy.

Sabay pa kaming napatili nang magbagsakan lahat ng gamit sa mesa.

Nahihiyang napayuko na lang ako habang yung iba ay nakatingin samin na akala mo nanonood ng live drama.

This is so humiliating!

Nangangalaiti na itinuro ako ni Mama. "Did you see what Harrice's has been doing, Ice? Nandito ka ba? Kasama mo ba sya? Ang bata-bata pa nyan!"

"Hariette, kumalma ka nga. Napapahiya na yung anak mo dahil sa ginagawa mo. You shouldn't humiliate her in front of these people."

"Aba, dapat lang na mahiya sya! Who knows kung ano pang kalokohan ang ginawa ng mga iyan lalo pa at sila sila lang ang nandito!"

"I doubt it!" patuloy na pagtatanggol ni Mommy. "Harrice isn't like that. She knows her boundaries and she wouldn't do things that will intentionally hurt you nor us. She's my child. I'd still love to hear her side first before I act like an immature teenager that's jumping into conclusion without hearing the whole truth just because I saw her expressing her feelings."

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon