Harrice
Breathe in. Breathe out.
What the eff?
Ang higpit ng kapit ko sa towel na inabot ni Elle kanina. Hinihingal pa nga ako matapos makatakbo palayo dito. Nanghihinang napasandal ako sa katawan ng puno ng niyog.
"Harrie, okay ka lang? Bakit namumutla ka?" Nag-aalalang nilapitan ako ni Ate Rainey. Busy kasi yung iba sa pagkuha ng rasyon nila ng pagkain. Yung iba naman ay nakikipag-usap pa sa facilitator para sa mga gamit nila.
Napahawak ako sa braso nito habang humihinga pa din ng malalim. "Am I? Maybe I'm just hungry."
"Gagi! Namumutla ka talaga." Hinaplos nito yung pisngi ko bago tumango. "Mainit ka din. Masama ba pakiramdam mo?"
Natatarantang dinama ko din yung pisngi ko. Oo nga, mainit iyon. Siguro dahil sa mabilis na pagpump ng dugo sa blood vessels ko. Paano ba naman, sa bilis at lakas ng tibok ng puso ko, parang sasabog na nga yata.
May heart attack na yata ako.
Abort mission. Abort mission. Prone to Heart failure.
"Nagugutom lang siguro ako." pinilit kong ngumiti dito para hindi na ito mag-alala pa. I hate bugging someone for my unnecessary problems. I'm a Queen. I can handle my own shits.
"Hindi ka yata kumain no?" Naglabas mula sa bag nito si Ate Rainey nang ensaymada na nakawrap sa clear na plastic.
Napangiti ako nang malawak nang iabot nito iyon sakin.
Right. Gutom lang 'to!
"Woy, favorite ko 'to." Kinuha ko iyon sa kanya. Buong pagmamadali pa nang tanggalin ko yung wrapper niyon at saka kumagat ng malaki. "Gutom nga lang ako."
Habang ngumunguya, nagsisimula nang bumalik sa normal yung pagdaloy ng dugo ko. Dama ko din na kumakalma na yung puso ko. Mukhang napagod na din at naisip na wala namang marathon dito. Bakit ba sya nagpapakitang gilas?
Hah! Sabi na nga, gutom lang ako.
Tama! Hindi ako nadadaan sa panlalandi ng lift girl na 'yon. Mga bata pa lang kami, alam na namin ni Carrie yung kulay ng dugo ng babaeng iyon. Siguradong sigurado ako na walang mabait na buto sa katawan yung Elle na yon. At kung sakali man na maging mabait ito, siguradong may pakinabang iyon kaya ganon. She's a two-faced bitch.
Hindi ba at nagawa nya ngang paikutin si Ate Rainey? Yung mga ganoong ngiti at paawa, di ba iyon din yung dahilan kaya nagmukhang tanga si Tris na sunod ng sunod dito? Saka alam na alam ko din kung paano naging utusan lang nito na bumili ng pagkain nito palagi sina Elise at Kaylee.
She's really an alpha type. A Queen of her own pack. And I don't want to be a part of that pack.
Hinding hindi ako magpapaalipin kahit kanino. Sarap sarap ng buhay ko para maging kagaya lang ng kung sino sinong nabaliw sa kakasunod dito.
Hinding hinding hindi talaga!
Pero kung sakali na tutulungan nya ako na makapagpapicture kay Cray baka pwede pang kaibiganin ko sya.
Sa naisip ay pasimpleng gumala yung paningin ko para hanapin kung nasaan si Cray. Tumigil yung mga mata ko dito. Katabi ito ni Ember na busy sa pagpupunas sa mukha niya.
They look so cute together. That's so sweet.
"Kinikilig ka kasi nakita mo ng malapitan si Cray no?" Nang-aasar pang sabi ni Ate Rainey nang mapansin na nakatuon na naman yung mga mata ko kay Cray.
"Ang hot kaya ni Cray. Lalo na pag nasa court." I agreed immediately.
Without looking at my back, I heard that familiar voice spoke.

BINABASA MO ANG
Forelsket
ChickLit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."