Harrice
"Yung girlfriend mo di mo pupuntahan?"
Umiling ako bago nahihiyang napabaling ng tingin sa ibang direksyon.
Carrie just shrugged her shoulders.
"E ikaw, si Ate Rainey di mo pupuntahan?" balik tanong ko sa kanya.
Gaya ko kanina ay umiling lang din ito bagamat ay mataman pa din na nakatingin sa girlfriend nito na kasama ngayon ng girlfriend ko.
It is Tita Louella's birthday party. Both of our parents are invited. Napilitan na lang din kami pumunta kahit wala naman kaming invitation na nakuha. Siguro kasi expected na naman na dapat ay sumama kami.
But I really wish I hadn't.
This isn't my thing. Parties and social gathering are something that most of the Silva's are not good in dealing with.
Si Eris nga at Essex ay kasunod lang lagi ni Tita Grant at Tita Jen habang busy sa pag-iikot. Pilit na pilit pa ngumiti para lang maipakita na nakikisama din ang mga ito.
While I and Carrie are just stucked here on our seats. Yung mga magulang kasi namin ay nandoon kasama ng mga kaibigan ng mga ito. Ayaw naman namin doon tumambay ni Carrie dahil tiyak na hindi naman kami makakasabay doon.
Ang pag-asa ko na lang para hindi ako maout of place dito ay si Elle. Kaso ayun nga, busy naman ito kakaentertain ng bisita ng Momma nito. At imbes na ako yung kasama ay si Ate Rainey yung nakacling sa braso nito.
Elle says it has been a tradition for both of them. Every year talaga ay ito at si Ate Rainey talaga yung tumutulong sa Momma nito para sumalubong sa mga bisita ng mga iyon. Lalo pa at may kinalaman nga ang mga iyon sa negosyo nila.
Niyaya naman ako ni Elle kanina na mag-ikot ikot kaso nangangalay lang ako kakatayo at nangangawit pa yung pisngi ko kakangiti. Ang masaklap pa, may mga pamilyar na mukha din kasi akong nakikita. Mga kaklase ko nung midschool at nagtatanong kung saang university nga daw ako nag-aaral ngayon. They hadn't heard anything from me daw since I graduated. Hindi ko tuloy malaman kung anong isasagot ko kaya nagpaalam na lang ako dito na sasamahan ko muna si Carrie.
"They look good together." wala sa loob na sabi ko.
"Yeah." Carrie nods her head. Parang wala din sa sarili nito.
Sumulyap ako sa hawak kong baso na may laman na paborito naming juice. Apple dito samantalang grapes naman yung akin.
"Nilagyan ni Elise ng alak yan ha?" Paalala pa ni Carrie pero naubos ko na iyon bago pa nito matapos yung sinasabi nito.
Ramdam ko nga yung pagguhit ng inumin sa lalamunan ko. Bakit ganoon ang lasa? Ang pait.
"Why hadn't you tell me earlier?" reklamo ko. Gusto ko tuloy uminom ng madaming tubig.
Nagkibit-balikat lang si Carrie. "You know what's the problem with us? We always forget to ask. Naghihintay na lang tayo kung ano yung sasabihin satin at hindi. Kung ano yung ibibigay."
I felt that hit. Ganoon din kasi yung pakiramdam ko lagi kay Elle.
Nag-away din ba ito at si Ate Rainey dahil doon?
"How would we know the right thing to ask? Alangan naman hulaan ko. Ang sinabi ko lang naman kuhaan mo ko ng juice. I didn't tell you to put something on it."
"Someone made our drinks special. You should be grateful."
Umismid ako. "Grateful for unsolicited help without even asking if that's okay for me or not? That's offending in every effin' way. No way that I'll be grateful for that."

BINABASA MO ANG
Forelsket
Chick-Lit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."