Elle
Maaga akong gumising para sa second day ng activity namin. Pero paggising ko, wala na si Harrice at Tris. Tanging si Dree na lang yung naiwan sa tent.
Kagabi kasi, matapos ayusin ni Harrice yung tent na tutulugan namin ay lantaran yung ginawa nitong pag-iwas sakin. Kahit pa nga kinakausap ko ito ay hindi naman ito sumasagot. Akala mo walang naririnig.
Nang matapos naman akong maligo at makabalik sa tent para matulog ay tulog na ang mga ito. Nakaunan sa braso nito si Dree habang nakayakap naman yung kamay ni Harrice sa bewang nung isa. Samantalang si Tris ay tahimik lang na nakaupo sa gilid ng tent at tila hindi malaman kung saan hihiga. Nakapwesto kasi sa kanang gilid ng tent si Harrice habang nasa kaliwa nito si Dree.
No choice, magtatabi talaga kaming dalawa ni Tris. And obviously, Tris is not okay in that idea.
To make it a little bit comfty for her, tinulak ko si Harrice pagitna at ako yung sumiksik sa gilid ng tent. Ang siste, hindi ko naman alam na space taker pala si Harrice. Kulang na lang pati ako daganan sa sobrang galaw nito matulog. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos dahil maya't maya akong nagigising sa galaw nito.
Si Dree nga ay pupungas pungas pa nang mapaupo sa tent dahil nagising din ito sa galaw ni Harrice. Buti na lang at walang topak si Tris dahil ito na yung yumakap sa bata para makabalik sa pagtulog.
Hindi ko nga alam kung seryoso ba si Harrice na ganoon o sinasadya lang nito iyon. Pero dahil dinig ko naman yung malalim at kalmanteng paghinga nito, sigurado ako na tulog talaga ito at hindi nagpapanggap lang.
Kaya ang ginawa ko para makatulog ako ay idinagan ko na yung kalahati ng katawan ko sa katawan nito. That way, mapipigilan na itong gumalaw dahil sa bigat ko. Mukhang effective naman dahil nung ginawa ko iyon ay hindi na ito naglikot pa ulit. Sumiksik lang ito sa leeg ko at yumapos sa bewang ko.
That made me survive our first night.
Paglabas ko ng tent, walang tao. So I did my morning routine. Pagbalik ko ng camping base naabutan ko na doon si Tris na mag-isang nagkakape.
"Take your breakfast."
Mayroon ng wooden table at rattan na upuan sa harapan ng tent namin. May mga pagkain na din doon na nakahain bagamat natatakpan lang.
Nang silipin ko iyon ay agad akong nakaramdam ng gutom. Hindi nga pala ako nagdinner kagabi.
"Where's Harrice?" Kumuha ako ng plato para magsimula na sanang kumain.
Itinuro ni Tris yung kakahuyan kung saan ko sinundo kagabi si Harrice. "Naghahanap ng pagkain."
"Bakit? Ayaw nya ng pagkain natin?" Napatingin ako sa nakahain. Typical na breakfast. Eggs, bacon, hotdogs, and pork tapa. May fried rice. Tapos black coffee. May bread din at sandwich spread. Sakto lang para sa apat na tao.
"She said we can take her share." sabi pa nito.
"What?" Napatigil ako sa pagkuha ng pagkain. Medyo kaunti nga lang ito at halatang limitado. Pero tingin ko kakasya naman samin ito lalo pa at hindi naman ako malakas kumain. "Kumain ka na?"
"Yes. I took my fair share because I hadn't ate my dinner last night. Kinain ni Harrice yung saging namin kaya gutom ako." sumimsim pa ito sa kape nito na para bang hindi naiisip kung may kakainin ba si Harrice o wala.
"I gave you a caramel bar." naiiritang paalala ko.
Nagkibit balikat lang ito. "Still, she ate my piece of banana so I took a cut of her breakfast."
"Sinumbat mo sa kanya yan?" hindi makapaniwalang tanong ko.
How could Tris be that cold? Hindi nya ba naisip na competitive si Harrice at essential player ito ng grupo para sa activity ngayon?

BINABASA MO ANG
Forelsket
Romanzi rosa / ChickLit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."