Chapter 7

9.1K 627 227
                                    

Harrice

Lalong lumakas yung hinala ko sa susunod na game nang bumalik si Tris sa base at sinabi na required daw ng facilitator na lahat ay nakasuot ng manipis na damit.

"Anong ginagawa mo, Ate Harrice?" nakikiusyosong sinilip pa ni Dree yung ginagawa ko. Dinikdik ko kasi yung bulaklak at ugat na nakuha ko kanina sa gubat. "It smells like a rotten feet." She cutely scrunches her nose pa. Halatang ayaw ng amoy.

Si Elle naman ay nasa gilid lang at diring diri sa ginagawa ko. Kanina pa ito nang makitang tinatanggal ko yung outer part ng ugat na kinuha ko kanina sa puno sa kakahuyan kanina. Binabad ko pa iyon sa tubig para matanggal yung mga lupang kumapit doon. Pagkatapos ay ginamit ko yung brewer para mag init ng malinis na tubig.

"It's a potion. I'm actually a witch." I playfully wink at Dree. "We will be bewitching the other players para manalo tayo."

Dahil bata pa nga ito ay mabilis itong naniwala sa sinabi ko. Napaawang pa nga yung labi nito at namimilog yung mga mata.

"For real?"

I nod my head. "Yeah, for real. It's actually a sleeping potion. We'll knock them off."

Hinalungkat ko yung bag na binigay samin. Good thing na may mga empty vials sa medkit namin. Doon ko inilagay yung mga ugat ng valerian at yung dinikdik kong Passiflora. Pagkatapos ay sinalinan ko ng mainit na tubig at saka tinakpan.

Twenty minutes lang. It will surely work.

"Mandadaya tayo?" Inosenteng tanong pa ni Dree.

"No." I shook my head. "Using your ability is not pandaraya. Diskarte at taktika ang tawag sa ganito." Pangaral ko pa dito.

Totoo naman iyon di ba?

"Still, it's cunning. That's a dirty tactic." Hindi nakatiis na komento ni Tris. Halatang ayaw nito ng diskarte ko. "Where are you going to use that? Pati yung bata tinuturuan nyo pa ng ganyan."

Hawak ko pa din yung ginawa kong potion. Inilagay ko iyon sa bulsa ko. Kailangan ko na lang isipin kung paano ko iyon maipapainom kay Eris. Pero siguro yung scent naman niyon pwede kong ilagay sa panyo at ipaamoy dito. Mas madali iyon.

"Do you really think other players are not planning anything against us? I don't think so." namaywang ako sa harapan ng mga ito. "Kay Carrie at Ember pa nga lang lugi na tayo. Paano pa kaya sa iba? Alam mo bang pag hindi mo naramdaman yung presensya ni Essex, siguradong isang chop lang nyan sa sensitive nerve mo tulog ka na? Anong laban natin don? Tapos si Is, tatahi-tahimik yon pero pag ayun ang nagplano sayo, baka maubos na ang isang buong araw, wala pang nakakakita sayo. Ilalabas ka lang noon pag tapos na yung laro. So no, we have to play this way."

"Oh, you were talking about your ill-mannered, lowly, and sadistic, family?" umismid pa si Tris. "Ipinagmamalaki mo pa ba na pamilya kayo ng mandaraya?"

"Hindi naman pandaraya kung wala naman rules na sinasabing bawal gumamit ng diskarte." I reasoned out.

Pasimpleng sinilip ko yung reaksyon ni Elle. Kung sasabihin nito na huwag na kaming gumamit ng ganito saka ko lang itatapon itong ginawa kong potion para kay Eris. Pero kung hindi, tuloy tayo sa plano ko.

Hindi naman sa sinusunod ko na sya at tinatanggap yung lagiging leader nito sa grupo namin. Syempre, gusto ko lang din manalo para sa pagkain.

Right! This is for my one true love. Wala ng iba pang rason.

"Ibigay mo kay Tris 'yan." Utos ni Elle.

"Pardon?"

Nagtatakang kumuyom yung mga kamay ko. Gusto nyang protektahan yang ex-girlfriend nya?

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon