Harrice
Bago pa kami makaalis nang isla, katakot takot na bilin na si Mama sakin. Nahihiya na nga ako dahil panay ang sabi nito na wag na wag ko daw aagawan ng pagkain si Dree. Hindi nya alam nakaagaw na ako ng tatlong energy bars. Buti na lang walang nagsumbong sakin na kagrupo ko. Saka buti lalo dahil ngumiti lang si Dree nang sabihan ito ni Mama na magsumbong pag inagawan ko ng pagkain.
What a nice kid. Sana lahat ng bata kagaya nya.
Tita Grant cuts off everyone when she announced that we should be all wearing our comfty clothes now before they bring us all to the island.
Napatingin naman ako sa suot ko. Normal tops lang at short shorts. Pwede na 'to. Tatanggalin ko na lang mamaya pag lalangoy na sa dagat. Ibababa naman daw yung mga gamit namin e.
"Be good, okay?" pahabol na paalala pa ni Mama.
I tiptoed to kiss her cheek. I am not as tall as her or as Carrie. Nasa 5'6 pa lang kasi yung height ko. Saka seventeen pa lang naman ako. Tatangkad pa naman siguro ako.
Saktong pagtuntong namin sa bow rider ay inabutan na kami ng watch ni Tita Leigh. This will serve as their tracking device on us and to ensure everyone's safety within the perimeters of the island. Kanya kanya kaming suot niyon.
Tita Leigh was silent as she was ensuring our safety hanggang sa maihatid kami sa paggaganapan ng first game. Papunta na yata kami sa island na pag-i-stay-an namin ng dalawang buwan. Malayo sa sibilisasyon na kinalakihan naming lahat.
"Scared?" hinatak ko si Dree palapit sakin dahil mukhang nanginginig pa ito habang nakatingin sa tubig dagat.
Sunod sunod naman itong tumango bago sumiksik sa tabi ko. "Pag nalaglag ba ako dyan, Ate Harrice, lulutang ako?"
I laughed at that. Hindi yata ito aware sa use ng lifevest nito.
"Of course, may floater ka o." Itinuro ko pa yung suot nitong lifevest. "Hindi ka lulubog dyan. Lulutang ka lang. Malas mo lang pag may sharks tapos kakainin ka na lang nil-"
Malakas na tumili ito sabay yakap sa leeg ko. Tawang tawa naman ako sa reaksyon nito.
I peep across my line of vision and saw Tris' just staring at the ocean. Mukha itong malungkot na ewan. Samantalang dito naman sa kabilang side ni Dree kung saan nakaupo si Lift girl, mukha pa nga itong natatakot habang nakatingin din sa tubig.
Don't tell me she's also afraid of this body of water? Kagaya din ba sya ni Ate Rainey?
"Tris, okay ka lang?" I can't help but to ask her. Lalo pa at katabi ko lang sya.
Saglit na tumingin sakin si Tris na mukhang nagulat sa tanong ko pero nang makabawi ay tumango naman ito.
"Yeah, I just miss having my phone. Aren't we going to see the others throughout this game?" tanong pa nito.
Feeling ko ang bobo ng tanong nito. Pare-pareho kasi kaming naglalaro ng fun activities ng summer camp. So obvious naman na makikita namin yung iba.
"Sa game activities siguro makikita natin sila, Ate Tris. Don't be sad na." Dree cooed Tris.
"Kaylee is afraid of water. I hope she's doing good with her team." Wala sa sariling sabi pa nito.
Napasulyap tuloy dito si Tita Leigh. "Don't worry about Lee, Tris. She prepared for this summer camp. Nagpractice na yon lumangoy at hindi na din iyon takot. Y'know, maybe that was the part where I and Vanilla failed as a parent. Hindi namin gaanong napagtutuunan yung mga family vacations na gaya ng ganito kaya hindi namin nalalaman yung mga areas where our children needs to explore and experience."

BINABASA MO ANG
Forelsket
ChickLit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."