Harrice
"Kanino galing yan?"
Mula sa pag-aaral ng mga clues na nakuha namin para sa susunod na game ay sabay sabay kaming napatingin sa kadarating lang na si Elle.
"Alin?" Kaswal na tanong dito ni Tris.
Ako naman ay napaayos ng upo at saka tinanggal yung paa ko sa katabi kong bakanteng upuan para may maupuan ito.
"Yan." Tiningnan ng masama ni Elle yung kinakain kong potato chips. "Wala naman tayong ganyan di ba?"
"Eh?" Inangat ko iyon at inilapit dito. "Gusto mo din ba? Binigyan ako ni Leo. Konti nga lang 'to. Pero kung gusto mo, pwede naman kitang bahagian ng onti."
"Nanghingi ka ng pagkain sa iba?" tuluyan na ngang nagsalubong yung kilay nito.
"Hindi ko ito hiningi. Binigay lang nya."
"Oo nga po, Ate Elle." Segunda ni Dree. "Binigay po ng kusa ni Kuya Leo kasi sabi ni Ate Harrice nagugutom daw sya at mukhang masarap din kumain ng potato chip na kinakain nil-"
"Oy! Fake news ka!" Siniko ko si Dree. Napakatabil naman ng dila nito. Kailangan pa ba talaga nitong idetalye iyon?
Bastos na bata. Masasabihan na naman akong patay-gutom nyan.
Inangat ko yung kanang kamay ko habang nililinaw dito yung aktwal na nangyari kanina. Mahirap na.
"Inalok ako. Hindi ako nanghingi."
"Di ba po pag inaalok, out of courtesy lang kaya dapat tanggihan?" Inosenteng tanong pa ni Dree na napakahinang umintindi ng eksena.
Dapat kasi um-oo na lang ito. Hindi yung kinokontra pa ako.
"Oy, tumanggi naman ako ah? Pinilit pa nga nila ako na kunin na 'to. Nakakahiya namang tumanggi. Baka sa susunod hindi na ako alukin ulit."
Tris let out a low huff. "Parang sabi ni Rainey kanina na wag ka na nga alukin. Tapos ikaw pa yung nagpumilit na kawawa ka naman kaya dapat lang na kumain ka na at kunin na lahat ng chips nila don."
Literal na nasamid ako nang dumako sakin yung galit na tingin ni Elle na para bang may katakot-takot na krimen akong ginawa.
Bakit ba? Ano bang masama kung nagugutom ako at may nag-aalok sakin ng pagkain? Alangan naman tumanggi ako sa grasya. Mas masama 'yon.
Halos pabalibag na ibinagsak nito sa ibabaw ng mesa yung mga bitbit nito. Namilog yung mata ko nang makita na halos mga paborito ko lahat iyon.
"Woy, San mo nakuha 'to? Peyborit ko lahat' to!" Tuwang-tuwang tili ko na pinagkukuha lahat ng bitbit nito kanina. Mga chocolate bars iyon, imported na milky biscuit, at saka caramel tart.
Hindi sumagot si Elle. Padabog na pumunta ito sa loob ng tent namin at isinarado pa yung zip niyon.
"Problema non?" Nagtatakang tanong ko kay Tris at Dree na pareho lang nagkibit-balikat.
"Baka nagalit kasi ginagawa mong patay-gutom yung team natin." matapos sabihin iyon ay itinuon na ulit ni Tris yung atensyon nito sa pinag-aaralan naming clues kanina.
Treasure hunting kasi yung next na game. Kailangan lang namin masolve yung riddle para makuha namin yung lokasyon ng map mamaya pag nagstart na yung game. May mga clues naman na kaming nakuha.
Actually kaya nga namin nakasalubong yung team nila Ate Rainey kanina ay dahil naghahanap kami ng clues. Si Elle kasi ay nagpaalam samin kanina na may pupuntahan lang sandali kaya hindi namin ito kasama non.
"Grabe naman iyon. Kasalanan na ba ang tumanggap ng kabaitan ng iba?"
"Di siguro matanggap ng overly-inflated ego nya na binibigyan mo ng kadiring image yung team natin." dugtong pa ni Tris.
BINABASA MO ANG
Forelsket
ChickLit"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."
