Harrice
"Mama!" Malakas na kontra ko sa sinabi nito. "Don't do that to Elle!"
"We're not talking to you, Kid. Shut your mouth when it's not your turn to talk."
Para kong nalulon yung dila ko nang sitahin ako nang Momma ni Elle. Seryoso pa yung mukha niyon at diretso lang yung tingin sa mga mata ko.
Galit ba sakin yung Momma ni Elle? Nakakatakot kasi ito. Hindi ko tuloy alam kung paano nagagawa ni Ate Rainey na humarap sa mga ito noon.
"Sit up straight. We're in front of the meal. Why are you slouching?" Sita pa nito na ikinadiretso ko ng upo.
Elle is not saying anything to stop her mother in reprimanding me. Gusto ko na tuloy maiyak.
Nakakatakot pala kasabay kumain ng dinner yung pamilya nito. Kaya naman pala relax na relax ito kanina. Kasi kung nakakaya nito na ganito kastrict yung magulang nito, sisiw na lang dito yung humarap sa mga magulang ko.
Dapat lang pala talaga na kabahan ako. Hindi sa kung ano yung gagawin ni Mama kay Elle. Kundi sa kung ano yung gagawin sakin ng mga magulang nito.
"Pooper, cut the kids some slack. You're scaring them." saway dito ng Mommy ni Elle. Tita Alliston, compare to Tita Louella is most probably easier to deal with.
Mas mabait kasi yung bukas ng mukha nito saka palaging nakangiti. Mas mukha pa itong less strict. Kaso sabi ni Elle mas nakakatakot daw yung Mommy nito kesa sa Momma nito. Wag daw akong magpapalinlang sa mga nakakalunod na ngiti niyon.
Alliston Parker, a cunning woman. And Louella Calvry, a well-known trickster. Hindi kataka-taka talaga na sobrang tuso at ilap ni Elle. Yung genes nito nag-uumapaw sa pagkatuso. Halatang hindi magpapatalo.
Patay. Walang bot sa pamilya namin. Ako lang pag nagkataon. Itatakwil talaga ako ni Tita Grant.
E kaso paano pa ako kokontra kung buong pamilya nga ni Elle, nakakatakot?
"I had to say that. Just to shake her a little." paliwanag ni Tita Louella.
Hindi ba dapat nga ay matuwa sila dahil ipinagtatanggol ko yung anak nila kina Mama?
Sino bang matutuwa kasi na yung girlfriend mo, gusto nilang maging regular na utusan tuwing weekends kapag wala itong pasok? Hindi ba nila alam na sobrang busy ni Elle? Kakagraduate lang nito bago yung summer camp. Pero hinatak na agad ito ng Momma nito para magtrabaho sa kumpanya nila. Tapos gagawin pang utusan ng parents ko tuwing weekends?
Nah. Hindi pwede. Nasaan na yung time sakin ni Elle pag nagkataon?
"You will be also working as an intern to Ate Lou during weekdays na wala kang pasok, Harrice." Sabi pa ni Mama na akala mo hindi niya ako anak.
"That's child exploitation, Ma. I'm only seventeen. Bakit pinagtatrabaho mo na ko?" mabilis na angal ko. Isipin ko pa lang na makakasama ko maghapon yung Momma ni Elle, kinikilabutan na ko.
"Are you using that card on me?"
Siniko ako ni Carrie na para bang sinasabihan ako na huwag na akong kumontra. Dama ko din yung pasimpleng pagsipa ni Mommy sa paa ko sa ilalim ng mesa. Katabi ko kasi si Carrie at Elle. Samantalang nasa harap ko ay si Mommy na napapagitnaan nina Tita Alliston at Mama.
Why? What could go wrong if I contradict her this time?
But if Carrie and Mommy say so, it might be the best option to do. Baka mas lumala pa pag hindi ako sumunod. Siguro nung nagkaroon ng family discussion, ito na yung pinakalight na parusa. Kaya sinasaway na nila ako na kumontra pa.

BINABASA MO ANG
Forelsket
Genç Kız Edebiyatı"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."