Elle
I woke up with a light head. Tatamad na bumangon ako matapos patayin yung nag-iingay na alarm clock. Ngayon lang yata ako tinanghali ng gising na gaya nito. Madalas kasi ay nauuna pa akong bumangon kesa sa alarm ko.
Pero heto, dahil sa lintik na pagkikita namin ng hinayupak na Harrice na iyon, pati sleeping pattern ko ay nasisira na naman.
Damn it! It's been four years, Elle. Hindi ka pa ba tapos sa phase na yan? Don't be swayed with those sweet lies again. Remember how she made you feel so loved and cared, and the next morning you just woke up losing all those sparkle on her.
I let the cold water from the shower to cool my heated mind. Mas mainit pa yung ulo ko kesa sa heater kaya kailangan ko talaga magpalamig. Wala akong maayos na tulog. Feeling ko nga halatang-halata yung eyebags ko.
Isipin ko pa lang yung mga scenario at dahilan kung bakit umuwi si Harrice. Pati na yung pagset-up sakin ni Rainey at pagkakanulo sa babaeng iyon, ay kumukulo na agad yung dugo ko ng ganito kaaga.
Anong akala nila sakin? Hopeless case? Fuck them all.
They keep on saying that things will get better after Harrice left. But no, they're wrong. I just get used to the never ending pain that comes from it. At iniisip ba talaga nila na bigla na lang mawawala lahat ng sakit pag bumalik na si Harrice?
Damn Tris! You should be here!
Dapat nandito iyong babaeng iyon para may nakakausap ako ng maayos. Kaso mukhang matatagalan pa yata ito sa Greece dahil ang sabi nito noong nakaraang araw na nakausap ko ito ay sasamahan pa daw nito si Kaylee na magshopping doon ng mga ipapasalubong sa girlfriend niyon. Pagdating talaga kay Kaylee ay hindi makahindi yung babaeng 'yon.
She should bring me some stuffs too. Lalo pa at wala ito ngayon na kailangan ko ito.
Thinking of all the things that I'll ask Tris to buy for me, I quickly finish my bath.
Hindi ko na din masyadong pinag-isipan ang susuotin ko dahil lahat naman ng iyon ay naihanda ko na kagabi pa. It's a habit I couldn't break.
Nang matapos ay nagmamadali akong bumaba para makapag-almusal pa ako bago pumasok sa opisina.
Napasimangot ako nang maalala na sinabihan akong too thin ni Harrice. Feeling talaga nito pinabayaan ko yung sarili ko dahil iniwan nya ko? Kapal ng mukha nya!
Por que toned muscles na sya ngayon? Por que may abs na sya at lean na yung katawan nya na para bang wala ng bakas ng kahit anong excess fats? Kapal ng mukha niyang na laitin ako. Gumanda lang sya ng kaunti. Mas maganda pa din ako sa kanya.
"Where's Mom?" I almost frown seeing there's no one in the dining room. Napatingin tuloy ako sa suot kong wrist watch. Sakto lang naman ang oras para sa normal na agahan naming tatlo nila Momma at Mommy.
Don't tell me na umalis na naman sila ng walang paalam at iniwan na naman akong mag-isa?
"Nasa labas po. May kausap na bisita." Sagot ng isa sa mga kasambahay namin na para bang ilag sakin lalo pa at masama ang timpla ko ngayon.
"Sinong bisita? Ganito kaaga?" lalo akong nairita. Dapat ipinatawag nila ako. Alangan naman na kumain ako ngayon na mag-isa? I'd rather skip having breakfast than to eat alone. Alam naman nila iyon.
"Hindi ko po kilala. Ngayon ko lang po kasi nakita."
"Kumain na sila kasama yung bisita nila?"
Umiling lang yung kasambahay kaya naman medyo nabawasan ang pagkainis na nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/284520033-288-k122509.jpg)
BINABASA MO ANG
Forelsket
Чиклит"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."