Chapter 29

9.1K 600 123
                                        

Elle

It's been weeks since we've got back to our own lives. And I would be lying if I wouldn't admit that I missed being in a summer bootcamp. Doon kasi walang iniisip, walang pinoproblema. Tanging yung goal lang na manalo at makasecure ng maayos na ranking.

In fact, we ranked third after the last reshuffle. Nanguna yung grupo ni Eris, sumunod yung grupo ni Kaylee, tapos panghuli kami.

But contrary to what we were thinking na tanging yung first team lang ang magkakaroon ng prize, our parents had surprised us with an extravagant wishes that had been fulfilled. Yung matagal ko na kasing hinihingi kay Momma na Europe trip ay ibinigay na din nito. Kakauwi nga lang namin noong nakaraang linggo.

Hindi ko lang alam kung ano yung binigay nila Mommy kay Ate Cray. But I have a hunch that it's a property or anything to do with our company. Perhaps, stocks. Lalo pa at parehong nagtatrabaho sa kanya kanyang negosyo ito at yung asawa nitong si Ember.

But if there's anything that I've missed most during the camp days, ay yung panahon at oras na meron kami ni Harrice sa isa't isa.

Harrice is now busy with her school works. Minsan nga ay hindi na nito nasasagot yung mga tawag ko dahil may klase daw ito. O di kaya naman ay may ginagawa itong projects. O di kaya naman ay nagrereview daw.

That's when it occurred to me how important her study is for Harrice. Pag sinisita ko kasi ito na kahit ten minutes lang ay sasabihin nito na ito na lang yung tatawag pag tapos na ito sa ginagawa nito.

Oo, tatawag nga ito gaya ng pangako nito. Kaso sa oras naman na natutulog na ako. Napipilitan tuloy ako magpuyat dahil iba yung body clock nito sa routine ko.

Minsan nakakatulugan ko pa nga na kausap ito kaya nauuwi kami sa pagtatalo kinabukasan. Binabalewala ko daw yung efforts nito na makipagkwentuhan sakin kahit pagod at puyat na din ito. I just can't tell her to adjust her schedule and prioritize me first.

Nasanay ako na ako lagi yung inuuna. Na ako yung pin-prioritize. I've got no time for people who can't even make time for me in my convenience to spent time with them. Ayoko ng ako yung nag-aadjust. Pag ganon, iniiwan ko na lang at pinapabayaan.

But with Harrice, things are different.

Gaya na lang ngayon. May ginagawa daw itong scent research sa R&D team ng perfumery business nila. Isinisingit lang daw nito sa vacant time nito after class. At ang siste, wala na naman kaming time makapag-usap. Siguradong tulog na ako pag tumawag na naman ito mamaya.

Kaya napagdesisyunan ko na sunduin na lang ito ngayon pagkatapos ng klase nito. Para kung sakaling busy talaga ito ay magagawa pa nito iyon. Hindi na nito poproblemahin yung pagtawag mamaya dahil magkikita naman kami.

That Drat! It's been weeks. How is she still okay and not insisting to see me?

Si Tris nga walang palya yung paghatid at sundo sakin non araw araw. Kahit weekends pumupunta pa iyon ng bahay para lang makipagkwentuhan kina Ate Cray at Mommy. Pagkatapos itong si Harrice, okay na okay lang sa ganitong set-up na hindi kami nagkikita. Paano pa ito magugustuhan nila Momma at Cray kung ganyan yung inaasal nya?

Siguro pinagbabawalan ito ni Carrie at sinusuhulan ng masasarap na pagkain. First love pa naman ni Harrice yung pagkain. Baka nahihirapan itong iresist iyon.

Kaya tama lang na bigyan ko ito ng oras ngayon habang wala sina Momma at may inaasikasong problema sa food plantation namin sa Bacolod. Ayun ang dahilan kung bakit napaaga din yung uwi namin. Nasa Cebu kasi sina Ate Cray at Ember dahil may inaayos na deal doon kaya walang mag-aasikaso ng problema. Tanging si Momma lang.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon