Harrice
"E-Elle.."
I was awe struck. No other words are coming out from my mouth aside from her name.
I am still dazzled at what I am seeing.
How? Why?
"Do you like it?" Nakangiti pang sabi nito na kumikislap yung kulay tsokolate nitong mga mata.
Napalunok ako bago sunod-sunod na alanganin na tumango. How I could I not? She exerted too much effort in surprising me.
A table made for two. A candle lit dinner. Right in the middle of the woods. Just beside our secret base, yung built-in tent na itinayo namin noon.
There are pink balloons hanging at the tree that has lights on it too. Ito yung nagsisilbing liwanag dito sa side na ito ng gubat. And I really doubt if no one would notice us if the lights are screaming all these unnecessary extravagance.
May mga lamp lights pa kasi sa pathway na dinadaanan namin kanina. Kapansin-pansin talaga. Ewan ko tuloy kung kikiligin ba ako o kakabahan na baka mahuli kaming dalawa dito ngayon.
"Take a seat, Harrice." Inaalalayan ako nito na makaupo sa upuan. Nalalanghap ko pa yung natural na amoy nito. Pinaghalong amoy ng vanilla at marshmallows. "I've prepared our dinner. Sana gusto mo."
"You did?" Namimilog ang matang kumpirma ko pa. "Marunong ka magluto?"
Dinig ko yung mabining pagtawa nito. Unti-unti na talaga itong gumaganda sa paningin ko.
"Of course. I had to. Hindi ko kasi pwedeng asahan yung luto ni Rainey noon."
"Masarap naman magluto si Ate Rainey aa?"
"Ngayon na lang iyon. Dati, hindi."
May pinindot itong switch sa gilid ng puno at kusang namatay yung mga ilaw na lumiliwanag sa amin kanina. Ngayon ay tanging yung mga scented candles na lang na nasa ibabaw ng mesa yung tanging tanglaw namin ngayon.
"I hope you're okay with this." itinuro nito yung ilaw namin. "Baka kasi mahuli tayo kung hahayaan ko lang na nakabukas yung mga tree lights. Nagbayad lang kasi ako ng mga staffs para gawin yan. Baka masisante sila pag nagkahulihan." paliwanag pa ni Elle.
"How could you bribe them?" curious na tanong ko.
"Money. Pag may pera ka, mabilis na lang gawin ang mga bagay bagay."
So madami talaga syang pera?
"Hindi pala safe dito kung may nasusuhulan ng pera."
"I'm freely sharing you my perks. Wag ka na lang kumontra. Ikaw naman ang pinakanakikinabang non."
"Uhm, sabagay." Napatango na lang ako.
Tinanggal ni Elle yung pagkakatakip ng mga pagkain namin. Tuluyan naman akong napangiti ng makita kung ano ang mga niluto nito.
Baked potatoes iyon na madaming cheese at may bits ng bacon sa ibabaw. May potato soup din na paborito ko na umuusok pa dahil nakalagay sa thermal container. Saka mga klase ng seafoods na hindi ko sure kung trip ko. Hindi kasi ako mahilig sa seafoods kahit pa mahilig ako sa dagat.
Pero given naman na limited lang kasi ang resources ni Elle. Malamang kasi ay nabili lang nito iyon sa mga nahuling isda ng mga crew ng isla. O kaya naman ay nabili sa karatig na isla na malapit dito. Pasalamat na lang nga ako na ipinagluto pa ako nito.
"Gusto mo ba ng ganito, Harrice?" Kaswal na nilagyan nito ng potato soup yung soup bowl ko.
"Ang alin?" inabot ko yung soup bowl at nagpasalamat dito.

BINABASA MO ANG
Forelsket
Literatura Kobieca"Someday, someone won't be afraid of how much you love. They won't stay on the shore; they'll meet you in the depths."