Chapter 8

9.6K 639 115
                                    

Harrice

"Hindi dyan, dito."

"Damn, careful!" I half-shout at Elle. Muntikan na kasing masubsob yung mukha ko sa damuhan dahil sa ginawa nitong paghatak sakin habang paakyat ako ng puno. Dahil di ko iyon inaasahan ay halos humampas pa yung katawan ko sa puno.

Pareho pa naman kaming nagtanggal ng mask dahil pareho kaming naghahanap pa ng pwesto. Pag talaga nabaril kami dito, ewan ko na lang kung hindi kami magtawag ng medic.

"Bakit ka ba kasi dyan pupwesto? Hindi ka na naman nag-iisip. Paano kung malaglag ka dyan?"

Napakunot naman ang noo ko. "Advantage sakin yung makapagtago habang hinahanap ko kung nasaan sila. Kelangan ko din ng maayos na view ng landscape ng lugar para makabisado ko. That way alam ko kung saan dapat nagtatago si Tris at kung saan tayo maghahunting." Paliwanag ko pa.

"Moving is surviving. Hindi mo ba alam iyon? That's basic survival instinct." Pangaral pa nito na nakapamaywang pa sa harapan ko. "Pag nagstay ka dyan, mabilis ka lang macocorner ng mga humahabol satin."

"Excuse me, Lift girl." I matched her same tone. Bakit ba kanina pa sya bossy? Pansin na pansin ko talaga na kanina nya pa ako inuutusan at kinukwestyon yung diskarte ko. "Let me clarify this." Humakbang ako palapit sa kanya. Wala akong pakialam kahit mas matangkad pa sya sakin at kailangan ko pang tumingala ng bahagya. "You're not my commander. So Fuck off."

"Commander my ass." She tickled her tongue before giving me a death glare. "Sinasabi ko lang sayo na mali mali yung diskarte m-"

Napatigil ito sa pagsasalita ng inilapit ko yung ilong ko sa leeg nito. She still smell like a vanilla mallows.

"Damn it! I specifically told you not to wear a perfume di ba!?" Gigil na singhal ko sa kanya.

Goodness!

Conscious na inamoy nito yung sarili nito. "I am not wearing a perfume, pea-sized brainer."

Kulang na lang ay kagatin ko yung leeg nito sa sobrang inis ko. Ako pa talaga niloko nya.

"Amoy na amoy kita." Tumalikod ako dito at pumitas ng mga dahon ng puno na malapit samin. Pinunit ko yung mga dahon para ma-extract yung natural na amoy ng mga iyon bago ko ipinahid sa leeg ni Elle.

"What the fuc-"

"Shut up." Idinikit ko yung noo ko sa kanya. Sa sobrang lapit namin, pag nagsalita pa ito, sigurado ako na mahahalikan na ako nito.

Elle probably knows that too. That's why she kept her mouth shut. Hinayaan lang ako na ipahid sa kanya yung natural na amoy ng mga dahon.

Nang hindi ko na maamoy yung natural scent nito ay saka lang ako lumayo dito.

Tahimik na napahawak ito sa leeg nito bago pasimpleng nag-iwas ng tingin. Tila sinisigurado na walang naiwang mga dahon dahon sa leeg nito.

"Pag pinagpawisan ako, babalik at babalik yung amoy ko. Hindi mo ba naisip yon?" Kaswal na sabi pa nito.

Don't tell me scent nya talaga iyong amoy na iyon ng masarap na pagkain?

"Bath soap." She answered even without me asking it verbally. "I'm not wearing perfume kasi sabi mo sensitive yung pang-amoy mo di ba? So I stop wearing any scent other than my bath soap that's not appalling for your sensitive sense of smell." she adds.

"Oh.." I can't find the right words to say on that.

"It's okay." Elle dismissed. Inayos nito yung pagkakakabit ng vest nito. "Isuot mo na yang mask mo. Kailangan na natin maghanap ng base."

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon