Chapter 21

10.1K 692 314
                                    

Harrice

"I'm allergic to nuts and peanut-based food."
Mula sa isinusubo kong fruit bun dito ay umiling si Elle at itinuro iyon. Pagkuwan ay napangiwi. "May nuts yan, Harrice. Next time tandaan mo yung mga bawal sakin."

Napatingin ako sa hawak ko. "Paano mo nalaman na may nuts ito?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Wala naman kasing label yung fruit bun ng ingredients. Saka usually naman walang nuts ang fruit bun di ba?

"Rainey told me."

And how the hell Ate Rainey knew it and I don't?

"She most probably asked the cook about the food that they will be serving to us." Dugtong pa ni Elle na marahil ay nababasa yung iniisip ko.

"So I have to ask the cook too?" napasimangot naman ako.

Muntik pa akong mapatalon mula sa kinauupuan ko ng lumapit ito at i-straight yung kilay ko na hindi ko namalayan na nagsasalubong na pala.

"Stop frowning. I don't mean to offend you. And No.." umiling ito. "You don't have to do things if you don't want to. Pwede naman na ako ang magtanong sa cook para alam ko kung ano yung mga pwede at bawal sakin."

Dama ko yung awtomatikong pag-iinit ng buong mukha ko dahil sa sinabi nito.

How could I tell her that I am not offended? Naiinis lang ako na hindi ko alam yung mga ganoong bagay.

"Paano na lang pala kung kinagatan mo 'to? Baka napano ka na." naiiling na ako na lang yung kumagat sa fruit bun.

Sa susunod talaga dapat aalamin ko na.

Ngumiti lang si Elle habang nakatukod yung siko sa mesa at pinagmamasdan ako. "Then if that's the case, I'll be reminded that I am allergic to peanuts and you'll be aware that I am."

Kumagat ako ulit sa tinapay na hawak ko. Yung mas malaki. Nakakagutom kaya tumitig dito kay Elle.

"Baliw ka." I spat as I continue munching my food. "Don't worry, tatandaan ko na yan para sa susunod."

"Do you have allergies?" Inilabas nito yung phone nito. "Let me know now so I would know if what's okay and what's not on you. Mamaya bigay lang din pala ako ng bigay tapos bawal pala sayo."

Allergies? Ako? Hindi naman sensitive yung tyan ko. Baka pag sinabi kong may allergies ako, bigla na lang magtampo yung mga pagkain at iwan ako.

"Wala. Ikaw lang naman yung allergy ko." wala sa loob na sagot ko dito.

Kumunot yung noo nito at napalis yung ngiti. "What?"

Paktay? Have I said it out loud?

"What?" nag-iwas ako ng tingin.

What are you thinking, Harrice? Anong allergy ba yang pinagsasasabi mo? Ipinapahiya mo na naman yung sarili mo sa harapan ng babaeng 'yan.

Hinawakan ni Elle yung ilalim ng baba ko para magpantay yung tingin namin at hindi ko na ulit maiiwas yung paningin ko sa kanya.

Sweet sugar!

Ayan, ayan na naman yung pag-atake ng side effects ng allergy ko.

Dama ko na naman yung mabilis na pagsikdo ng dibdib ko na para ba akong kakapusin ng hininga dahil sa sobrang lapit nito. Kelangan ko na yata ng oxygen.

Marahil napansin din ni Elle yung pagbabago ng kulay ko kaya nagtatakang dinama nito yung leeg at mukha ko. "Your face is burning up. Are you okay?"

Mag-iiwas sana ako ulit ng tingin dito pero kusang bumaba yung tingin ko sa bahagyang nakaawang na mga labi ni Elle.

ForelsketTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon